Local News

Mga Pabor sa ABS-CBN Shutdown, Makapal ang Mukha! – Talent Manager Ogie Diaz

Para sa talent Manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz, maaari daw mag-audition sa Pinoy Big Brother ang mga nag-post ng pagpabor sa shutdown ng ABS-CBN. Ayon kay Diaz, kailangan daw kasi ng makapal ang mukha sa bahay ni Kuya.

“Yung mga nag-o-audition sa PBB, pero me nakaraang post ng “yes to shutdown,” pwede rin ha?
Iba-ibang attitude naman ng housemates ang hinahanap ni Big Brother.
Me isang mabait, isang mahinhin, isang masungit, isang maarte, isang social climber, isang maangas, isang bully, magandang lalake, magandang babae, simple, isang heartthrob.
Kung maraming sumali na nag-post ng “yes to shutdown,” maaaring isa diyan, kunin ni Kuya.
Kasi, sa loob ng Big Brother house, kailangan din ng isang “makapal ang mukha.”” boladas ni Diaz.

Magugunita na hindi nabigyan ng prangkisa ang Kapamilya network mataos ibasura ng kongreso ang kanilang aplikasyon sa panibagong prangkisa. Ilan sa mga nasilip ng mga mambabatas ay ang hindi maayos na pagtrato sa mga empleyado, tax avoidance scheme, ang nationality ng isa sa mga opisyal ng kumpanya at mga di maayos na pag-uulat.

Source: Ogie Diaz

Leave a Reply

Theme by Anders Norén