Local News

Mga Pinoy, Nadaan sa Kwento ni DU30 – Trillanes

May bago na namang patutsada ang tila mortal na kaaway ni Pangulong Rodrigo Duterte na si outgoing senator Antonio Trillanes.

Sa pinakahuling boladas ng senador, inilarawan nito ang Presidente ng Pilipinas na isa umanong pathological liar. Ito ay reaksyon niya sa sinabi ni Presidente Duterte na magiging limang minuto na lamang ang pagbiyahe mula Cubao patungong Makati.

“Papangakuan tayo ng five minutes pagtapos nun iibahin na naman ang usapan. Itong si Juan Dela Cruz, madadaan na naman sa kuwento. Mumurahin na naman niya ang simbahan at Diyos, distracted na naman tayo,” sabi ni Trillanes.

Ayon kay pa kay Trillanes, hindi na raw natuto ang mga Pilipino at ilang beses nang nabudol-budol.

“Kung budol-budol, ilang beses na tayong nabudol-budol, hindi pa rin tayo natuto,” dagdag pa ni Trillanes.

Magugunitang inilutang ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang posibilidad na mabigyan ng pagkakataon ang batas na mag-aatang kay Pangulong Duterte ng emergency powers para maresolba ang trapik.

Isusulong din umano ng bagong halal na senador na si Francis Tolentino na maibigay sa Presidente ang emergency powers sa paparating na 18th congress.

Source: GMA News | GMA News | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén