Local News

Mga Politikong Nagbayad daw ng P20 Million para Ma-Indorso ng Leftist Groups, Binunyag ng Ex-Communist Rebels!

Ibinunyag ng dating liaison officer ng Electoral Unit ng National Democratic Front (NDF) na si alyas “Ka Nonoy” Alcantara na nagbayad umano sina Senator Nancy Binay, Grace Poe, Bam Aquino, former congressman Erin Tañada, dating senador Serge Osmeña at iba pang “Traditional Politician” ay nagbayad umano ng milyon-milyon sa NDF, Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), Makabayan partylist coalition at iba pang communist terrorist groups para makakuha ng endorsement mula sa mga makakaliwang grupo.

Ayon sa ulat ng Manila Standard, si Tañada pa lang daw ang nagsalita para itanggi ang mga pahayag ni Ka Alcantara.

Base sa pagbubunyag ni Alcantara, nagbayad daw sina Poe, Binay at Bam ng tig-20 milyon. Habang si Osmeña naman daw ay nagbayad ng P10 million. Si Tañada naman ay nakakuha ng diskuwento dahil matagal na daw ka-alyado ng pamilya nito ang mga CPP-NPA-NDF.

“They have exchanged their loyalties for huge sums or simply forgotten about them… It’s clear that the movement is now all about money, especially when it is tightening the collection of permit to campaign fees in the countryside” sabi ni Alcantara.

Binanatan ni Alcantara ang pagka-desperado daw ng CPP-NDF-NPA dahil gagawin ang lahat at makipag-alyado sa mga trapo para kapalit ang kapangyarihan.

“Do these ‘trapos’ still have hearts and consciences? Why are they helping the devilish CPP/NPA/NDF that has cruel and bloody goals? Or maybe they don’t know? Please have pity on our children and their future” banat ni Alcantara.

Source: Manila Standard

Leave a Reply

Theme by Anders Norén