Local News

“Mga Pro-Duterte, Madaling Maniwala sa Lies!” – Trillanes

Ilang araw bago matapos ang 2019 ay nagpahapyaw si former Senator Antonio Trillanes sa mga taong sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa dating senador, ang mga sumusuporta daw kay Pangulong Duterte ay madaling mapaniwala ng mga kasinungalingan.

“Ilang beses na nasunog yan si Nieto, may naniniwala pa rin? One thing in common about pro-duterte people is they esily believe in lies,” boladas ni Trillanes.

Ang komento ng dating senador ay may kaugnayan sa naging column ng radio host, columnist, blogger na si RJ Nieto (Thinking Pinoy) tungkol sa pagiging peke umano ng US ban sa mga Filipino Government Officials na responsable sa pagkakakulong ni Senadora Leila De Lima.

Magugunita na sa column ni Nieto sa Manila Bulletin, sinabi nito na hindi matatagpuan sa pinirmahang batas ni US President Donald Trump ang probisyon na pagbawalan ang mga Filipino Government Officials na makatungtong sa Amerika.

At kung mayroon probisyon na mai-uugnay sa kaso ni De Lima, matatagpuan din daw ito sa mga nakaraang US Budget Laws noong hindi pa Presidente si Trump.

Pati ang Facebook Fact Checker na si Ellen Tordesillas ay hindi rin makita ang probisyon tungkol kay De Lima sa 2020 US Budget Law.

“This is Ellen Tordesillas, a journalist from the Philippines (Vera Files). We cannot find the provision on the detention of Sen. De Lima in the signed version of the 2020 US budget. What happened?” sabi ni Tordesillas sa kanyang social media account.

Nanindigan naman si Senadora De Lima na hindi pekeng balita ang tungkol sa US ban sa mga Filipino Government Officials na nagpakulong sa kanya.

“The operations of the US Federal Government are, to say it simplistically, very broad and complex. So, preparing for its budget will be more complicated than what we usually do here,” sabi ng nakakulong na senadora De Lima.

Source: Antonio “Sonny” Trillanes IV | Senadora Leila De Lima | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén