Local News

‘Mga Put*** Ina Niyo’ ABS-CBN Actor Zanjoe Marudo, Minura ang mga Natutuwa sa Shutdown ng Kapamilya Network!

Minura ni ABS-CBN Actor Zanjoe Marudo ang mga kababayan natin na nagpapakita ng kagalakan sa sinapit ng Kapamilya network.

Magugunita na nitong Mayo 5 ay naglabas ng direktiba ang National Telecommunication Commission (NTC) upang atasan ang ABS-CBN na huwag mag-broadcast. Ito ay dahil paso na ang prangkisa ng istasyon.

“Sige tumawa kayo, pero t*ng*na nyo, pagbalik namin magpapasalamat kayo!” boladas ni Marudo.

“Ang post na ito ay para sa mga nagbubunyi at tuwang-tuwa na isinara ang ABS… Ano ba yan, lahat kailangan word for word. Napakasimpleng salita, hindi maintindihan. Haaayy Pilipinas kong mahal,” saad pa ni Marudo.

Hindi naman nagustuhan ng isang netizen ang patutsada ng aktor kaya minura din nito ang Kapamilya talent.

“T*ng ina ka rin Zanjoe. Alamin mo kung bakit pinasara,” buwelta ng netizen.

Sagot naman ni Marudo:

“Alam ko kung bakit sinara! Minumura ko yun mga tuwang-tuwa.”

Malaki ang naging utang na loob ni Marudo sa ABS-CBN. Matatandaan na ang Kapmilya Network ang nagbigay sa kanya ng malaking break sa showbiz noong sumali ito sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition noong 2006.

Ilan lang si Marudo sa mga artista ng ABS-CBN na naglabas ng sama ng loob sa nangyari sa kanilang istasyon. Kamakailan lang ay dinaan ni Coco Martin sa social media ang hinanakit niya sa gobyerno.

Hindi ako mangingiming sabihin ang totoong nararandaman ko ngayon. Sa mga taong tulad niyo na hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan! Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung anong sasabihin ng ibang tao. Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada! Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan!

TINATARANTADO NINYO ANG MGA PILIPINO!!!” sabi ni Martin.

Source: PEP | Coco Martin’s Instagram Account | Philippine Star

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: