Local News

Mga Residente ng Tarlac, Nagwelga para Tutulan ang Pagdala sa OFWs galing China sa New Clark City!

Hindi nagustuhan ng mga residente ng Capaz, Tarlac ang plano na dalhin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na mula Hubei, China sa Athletes Village sa New Clark City. Dahil sa balak ng national government, nagsagawa pa ng welga ang mga tao sa lugar.

Hindi naman kumbinsido ang mga lokal na opisyal ng Tarlac sa pagtitiyak ng Department of Health na walang panganib sa mga residente ng Tarlac na gawing quarantine facility ang Athletes village.

“Hindi po, hindi po nila maibigay sa akin yung assurance ng zero probability na may leak out,” sabi ni Capas Vice Mayor Butch Rodriguez.

Sa panayam naman kay DOH Secretary Francisco Duque III, sinabi nito na magpapatpad ng mahigpit na implementasyon ang pag-quarantine sa mga OFWs.

“Wag po sila mangangamba, lahat ng mga hakbang at measures ay sinisigurado po naming maisasakatuparan… Wala tayong option na tinitignan maliban sa New Clark City bilang quarantine area para sa mga uuwing OFW. Importante na ma-quarantine sila kasi ayaw natin na magkaroon ng problema sa iba pang kalamidad,” paliwanag naman ni DOH Secretary Duque.

Hindi naman napigilan ng ilang kababayan natin na batikusin ang naging reaksyon ng mga taga-Capas.

“Kung kami nga dito na nakatira malapit sa San Lazaro hospital ay hindi natakot. Halos ang dinadala sa San Lazaro ay puro positive at Lahat ng infectious diseases at nakakahawang sakit maging airborn man o thru close contact dito dinadala kahit pa noon na nauso ang AIDS. Wala naman nangyari. Bakit kayo ayaw nyong tanggapin ang mga kapwa natin Filipino. Maging kayong mga taga Nueva Ecija. Kung kasya sana silang lahat sa San Lazaro Hospital pwede sila dito sa Maynila. At lahat tayo may appointed time. Kung oras mo na, kahit nasaan ka pa oras mo na,” sabi ni E. Galicia.

“Mga Pilipino rin sila, OFW! hindi pa nman confirmed na may virus sila, kayo kaya ilagay sa sitwasyon nila anu mararamdaman nyo?” sabi ni K. Gavina.

Source: GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: