Local News

Drug Test ng mga Sangkot sa Dacera Case, Inilabas na!

Ipinakita na sa publiko ng mga sangkot sa Christine Dacera Case ang kanilang mga drug tests. Sa nasabing resulta, nag negatibo sa methamphetamine (crystal meth) at tetrahydrocannabinol (cannabis) sina Clark Rapinan, Rommel Galido, Valentine Rosales, Gregorio de Guzman at JP dela Serna.

Si Dacera ay flight attendant na natagpuan na wala ng buhay sa isang hotel sa Makati matapos magdiwang ng bagong taon sa naturang establisimiyento. Kasama ni Dacera ang ilang kaibigan ilang sandali bago ito pumanaw.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén