Local News

‘Mga Senador, Nag-ingay sa ABS-CBN Shutdown pero Tahimik sa Quarantine Violation ni Koko!’ – Lifestyle Writer

Ngayong araw ay pinirmahan ng 13 senador ang isang resolusyon na nag-uudyok sa National Telecommunication Commission (NTC) na na i-reconsider ang cease and desist order na inilabas nito laban sa ABS-CBN.

Ang mga senador na pumirma sa nasabing resolusyon ay sina Risa Honticeros, Franklin Drilon, Juan Miguel ZUbiri, Ralph Recto, Francis “Kiko” Pangilinan, Sonny Angara, Joel Villanueva, nancy Binay, Lito Lapid, Sherwin Gatchalian, Manny Pacquiao, Pia Cayetano at Leila De Lima.

Hindi ito nagustuhan ng Manila Bulletin lifestyle writer na si Krizette Laureta Chu ang mga pinagagagawa ng mga mambabatas. Buwelta ni Chu sa mga senador, ang bilis daw umaksyon sa isyu sa Kapamilya network pero tikom ang mga bibig sa ginawang paglabag ni Senador Koko Pimentel sa quarantine.

“Koko Pimentel endangers the lives of frontliners and patients by being a self entitled brat.

Senators are quiet. No one calls him out.

ABS CBN is shut down.

Senators are noisy and quick to spring to action.

Tama sila no? Namimili lang talaga ang lawmakers ng bansa natin ng pag bibigyan ng atensyon. Yung may pakinabang lang sa kanila. WHAT DOES KOKO HAVE ON YOU? WHAT DOES ABS CBN HAVE ON YOU?” banat ni Chu.

Source: Krizette Laureta Chu | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: