Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Mga Sigang Riders, Kinuyog ang Traffic Enforcer! Naging Maamong Tupa nang Makaharap ang Mayor!

Walang-awang pinagtulungan ng mga sakay ng motorsiklo ang trafffic enforcer na si Mark Daniel Farmer sa tapat ng Valenzuela Medical Center. Ayon sa ulat, pumarada ang mga sigang riders sa bangketa sa tapat ng ospital at nang sitahin ito ni Farmer, sila pa ang nagalit.

Tinulak-tulak, minuramura at hinampas ng mga sigang motorista ang pobreng enforcer.

Pati ang ambulance driver na kumukuha ng cellphone video ay pinagsabihan pa ng mga sigang motorista.

Rason ng mga siga, mayroon daw silang emergency kaya napilitan silang pumarada sa bangketa.

Pero ayon kay Farmer, nadatnan niya na walang sakay ang mga motor na labag sa traffic ordinance ng Valenzuela at hindi rin daw totoong may emergency ang tatlo.

“Apat po silang nag-arrived sa ospital na magba-backride po. Narinig ko sa father na ang anak niya ay naka-confine na po sa ospital at hindi po emergency. Kung talagang naka-confine at maayos ang approach nila sa akin, maaaring pinagsabihan ko na lang sila, winarningang at pinaalis na lang po ang motor,” sabi ni Farmer.

Nagpaliwanag din si Farmer kung bakit niya kinuha ang susi ng mga motor.

“Pagna-alis nila ang motor, wala na akong ebidensiya na naka-illegally parked para hindi makaalis kinuha ko lang ang susi,” paglilinaw ni Farmer.

Hindi naman naisama sa ulat ng GMA news kung paano napagalitan ng alkalde ng lungsod ang tatlong siga. Panoorin kung paano sila pinagalitan ng Mayor.

“Una, wala na nga kayo sa lungsod niyo, pagtungtong niyo dito sisiga-siga kayo. Sinaktan niyo ang tao ko, pag binastos niyo ang ni-isang empleyado dito, ako ang binastos niyo. Sa tingin niyo pupunta ba ako dito kung hindi ako banas-banas sa inyo? Pasalamat kayo na hindi ako ang klase ng Mayor na nananakit. Gawin niyo iyan sa ibang lungsod, tignan natin kung hindi kayo mapatay pare-parehas. Ano nakain niyong tatlo para abusuhin ang tao ko?… Loko-loko pala kayo major road iyon eh?” sabi ni Farmer.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén