Uncategorized

Mga Sundalo Naputulan ng Paa, Binigyan ng DU30 Govt ng Hi-Tech Prosthetics!

Isang magandang regalo ang natanggap ng mga sundalong naputulan ng bahagi ng katawan dahil sa pakikipaglaban sa mga teroristang Maute sa Marawi noong 2017. Biniyayaan sila ng Duterte Govertment ng pag-asang makalakad muli, makatulong sa kanilang pamilya at makapag lingkod muli sa bayan sa pamamagitan ng mga high-tech prosthetic limbs. Ang programang ito ay ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ma-liberate ang Marawi sa kamay ng mga Maute.

“Nahihirapan akong umakyat sa hagdanan. Nahihirapan akong mag-travel at sumakay sa sasakyan. Nung gamit ko na ‘yung bagong prothetics, ‘yung high-tech, nakakapag-travel na ako mag-isa kahit walang gamit na saklay,” sabi ni First Scout Ranger Regiment Sergeant Jeric Millar.

Sa ulat ng CNN Philippines, mapapanood na hindi na kakailanganin ng mga sundalo ng saklay dahil sa makabagong teknolohiyang taglay ng prosthesis. Pinapaggana ng baterya ang mga high-tech prosthetic limbs at may micro-processors na nagko-kontrol. Kumportable din daw ito gamitin at binibigyan din daw nito ang mga amputee ng pagkakataon para makagalaw ng normal.

“Kaya po natin sila binigyan ng state-of-the-art prosthesis kasi gusto po natin makabalik sila sa battlefield. Hindi ‘yung nandun lang sila sa offices at limited ang ginagalawan nila, “ paliwanag ni RJ Arroyo, Business Development Manager ng Ottobock Philippines, ang manufacturer ng mga prosthetic limbs.

Panoorin ang presentation video ng Ottobock kung saan ipinapakita nila ang nagagawa ng kanilang prosthesis products.

Source: CNN Philippines | Ottobock

Leave a Reply

Theme by Anders Norén