Local News

‘Mga Supporters ng Imoral na Presidente, Magdasal na Kayo!’ – Fr. Robert Reyes

May banat si Running Priest Fr. Robert Reyes sa mga sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang “Honesty Run” para sa pag-suporta sa mga senatoriables ng oposisyon o mas kilala sa tawag na “Otso Diretso”, tinawag ni Father Reyes na imoral si Presidente Duterte at sinabihan niya pa ang mga taga-suporta ng Pangulo na magdasal na ng maayos.

“Iyong mga Katoliko na sumusuporta sa imoral na Presidente (Rodrigo Duterte), na administrasyon, ay ‘di nagdarasal nang maayos. May panahon pa. Magdasal po kayo,” sabi ni Father Reyes.

Si Reyes ay isa sa mga alagad ng simbahan na masugid na kritiko ng Duterte Administration.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa boladas ng pari laban sa Pangulo at sa mga sumusuporta dito.

“Kayo po father pray for your fellow priest who prey on minors thank you next,” sabi ni A. Carreon.

“Akala mo nman hindi makasalanan si father, hwag na magsalita ng ganyan, do not be judgemental, sabi nga ni Lord “my ways are not your ways my thoughts are not your thoughts,” sabi ni Y. Tan.

“This is the reason why many catholics right now dont attend church because we dont want to.listen to this type of priest. You might want to check how you teach people,this is not because you want us to believe in God but to just believe in you. Mga impokritong pari na walang alam kundi ang mambatikos pero wala naman naitutulong sa mga taong mahihirap. Ang daming natutulog sa harap ng simbahan,namamalimos ng kaunting barya pero never nyo binuksan ang pinto ng simbahan para sila patuluyin at patulugin. Kung meron man kaung outreach program ay pili din ang bininigyan nyo at un ay mga taong malalapit sa inyo. I SHOULD KNOW BECAUSE I HAVE WITNESSES AND EXPERIENCE IT. PARING IMPOKRITO!!!,” sabi ni R. Timoteo.

Source: CNN Philippines’ Rex Remitio

Leave a Reply

Theme by Anders Norén