Local News

Mga Tae, Nagdagsaan sa Bonifacio Monument! Mayor Isko, Pinasisibak ang Precinct Commander!

“Oh, eto, sariwa pa oh. ‘Pag inaalat ka nga naman ano,”

Ganito na lang ang mga lumabas sa bibig ni Manila Mayor Isko Moreno nang madatnan ang monumento ni Gat Andres Bonifacio na puro tae kaninang umaga. Nagtungo si Moren sa lugar para inspeksyunin ito. Ang bantayog ni Bonifacio sa Maynila ay halos kalapit lang ng Manila City Hall.

“That is the office of the mayor, the seat of power of the City of Manila. Tapos eto, amoy tae rito. Nagkalat,” sabi ni Mayor Isko.

Nang dahil sa nasaksihan ng alkalde, ipinasisibak ng punong lungsod ang Police Community Precinct commander ng Lawton Police Lt. Rowel Robles kay Manila Police District chief Vicente Danao.

Sa pag-iinspeksyon ng alkalde, aksidente itong nakatapak ng etchas sa lugar.

“How could we govern? Oh, opisina ng mayor, mga singkwentang hakbang lang,” banat ni Mayor Isko.

Nagpulasan naman ang mga vendors sa naturang lugar nang magsagawa ng clearing operation ang lungsod ng Maynila.

Nagpulasan naman ang mga vendors sa naturang lugar nang magsagawa ng clearing operation ang lungsod ng Maynila.

Panoorin ang video mula sa CNN Philippines.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natins a nangyari sa bantayog ng isa sa mga bayani ng Pilipino.

“Go, go, go ISKO…. May God continue to guide & protect you with your good vision & mission,” sabi ni G. Cabuay.

“Use the police to apprehend those who urinate and defecate in public places. para di pamarisan. More power and God bless to our hardworking mayor!!,” sabi ni R. Cham.

“Monumento ni Bonifacio ginawang malaking CR ano ginawa ng dating administrasyon ni Erap,” sabi ni R. Angeles.

“Mayor di lng jan ang tae ng aso. dito rin sa amin araw araw na lang! Kya ang nksulat sa babala “MAG – INGAT SA TAE! HUWAG SA ASO” sana magkaroon ng parusa sa mga may ari ng aso na nagpapabaya sa dumi ng aso nila! Pls,” sabi ni C. Ballesteros.

Source: Philstar | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: