Local News

Di Takot kay DU30? Mga Tiwaling MMDA Enforcers, Kumukulimbat ng P150,000 kada Buwan!

Mukhang hindi natatakot sa anti-corruption campaign ni Pangulong Duterte ang ilang enforcers ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

“Back to barracks” at hindi puwedeng manghuli ang 48 na miyembro ng MMDA Anti-Jaywalking Unit nang matuklasan ng pamunuan nito ang modus ng ilang tauhan. Nadamay ang buong unit dahil sa kagagawan ng iilan tiwaling kasamahan nila.

Ayon sa ulat, nabisto na namemeke ng resibo ang mga traffic aide na sina Joanna Eclarinal, Jonathan Natividad, at Frederick Arucan.

Nakapiit na sa kulungan si Eclarinal pero ang dalawa niyang kasamahan sa modus na sina Natividad at Arucan ay patuloy na pinaghahaap pa rin ng National Bureau of Investigation (NBI).

“Mayroong isang nagbayad sa opisina sa taas sa opisina nila Joana at nabigyan ng resibo. Ngayon, akala niya clearance para sa baba. Pinakita niya ang resibo. Sabi ng cashier namin, ‘Sandali, peke iyan’,” sabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia.

Pinagsusupetsahan din ni Garcia na hindi lang iilan ang nasasangkot sa panloloko. Naniniwala din si Garcia na aabot sa P150,000 ang nakukulimbat ng mga tiwaling enforcers sa ginagawa nilang modus.

Ang hepe naman ng MMDA Anti-Jaywalking Unit na si Salvador Galang ay nilagay sa floating status habang iniimbistigahan ang krimen. Iginiit ni Galang na hindi niya alam ang ginagawa ng mga enforcers dahil sa oras ng kanyang pasok. Reklamo ni Galang, madadamay sa kabalastugan ng ilang enforcers ang makukuha dapat niyang retirement benifits. Si Galang ay nagsilbi ng 30 taon at magreretiro na dapat sa 2020.

“Wala talaga akong alam. Kasi ang pasok ko ay 6am to 2pm. After that time, pag 2pmk, exit na ako… Dismayado ako dahil (sa ginawa nila) baka masilat ang retirement ko,” sabi ni Galang.

Ito po ang ilan sa naging reaksyon ng mga kababayan natin sa ginawang kabalbalan ng ilang MMDA enforcers.

“Good job sa internal affairs management ng MMDA, aksyon agad. Kudos din sa NBI,” sabi ni J. Barcelon.

“Hindi natutulog ang Diyos lahat ng kilos natin ay nakikita niya at dumating nga ang paghukom sa mga taong ito na akala ng taong bayan ay tapat sa kanilang tungkulin,” sabi ni T. Hodges.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén