Local News

Mga Tren ng LRT-2, Nagsalpukan! 29 na Pasahero, Nasaktan!

Ayon sa pinakahuling ulat ng Inquirer, pumalo sa 29 na pasahero ang nasaktan at dinala sa pagamutan dahil sa aksidente na nangyari sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2). Ayon sa mga ulat, nagbanggaan ang dalawang train coaches ng LRT-2 sa pagitan ng Cubao Station at Anonas Station nito lamang Sabado ng gabi. Base sa mga nakalap na impormasyon ng mga media, bumangga ang isang tren na patungo sa Santolan sa isa pang tren na nakahinto. Ang tren na nakahinto ay nawalan daw ng kuryente. Tumilamsik naman sa kalsada ang ilang debris mula sa mga tren.

Makikita sa ilang video sa social media ang nangyari sa ilang pasahero sa loob ng tren matapos ang aksidente. Ang ilang ay napa-upo na lang sa sahig ng tren at ang iba ay nahihilo.

“Nagtalsikan talaga kami sa gitna. ‘Yong iba tumama sa bakal,” sabi ng saksing pasahero.

Panoorin ang naunang ulat ng DZMM sa nangyaring insidente.

Source: GMA | ABS-CBN | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén