Local News

‘T*** Ina mo! Pasikat ka!’ Mga Tulfo, Pinagmumura ni Billy Jack Sanchez!

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang rider na si Billy Jack Sanchez matapos kumalat ang video ng kaniyang pakikipag-away sa traffic enforcer kung saan sinisi niya ang kaniyang back-ride nang masita dahil sa traffic violation.

Sa kaniyang social media post, dumipensa si Sanchez at sinabing hindi siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Hinamon din Sanchez ang isa sa mga Tulfo na umalis sa programa nito ‘pag nag negatibo siya sa droga.

Magugunita na itinampok ni Erwin si Sanchez sa kaniyang programa matapos mag viral ang pakikipagtalo nito sa trafic enforcer.

Ayon kay Sanchez, kung nagkataon daw na parehas sila ng edad nila Tulfo ay makakatikim daw ang mga ito sa kaniya.

“T** ina niyo ha! Ang hilig niyong manghalukay ng nakaraan ng mga tao! Kaya ganiyan ang mata ko, call center ako sa umaga, pag tapos ko mag work, personal trainer pa ako. Nagpapakasikap ako para yumaman. Huwag kayong manira ng mga tao… ‘Pag nakataon lang na magkasing-edad tayo o magka-era, baka pinagsasapak kitang animal ka eh… Kung nagkasabay tayo sa timeline baka walang Tulfo,” sabi ni Sanchez.

“PARA SAYO TO ERWIN TULFO! EWAN KO BAKIT DAIG MO PA MGA CHISMOSA SA KANTO NAMIN PARA KANG CCTV CAMERA AT ANG HILIG MO MAG PLAYBACK SA NAKARAAN NG TAO BAKLA KA SIGURO. ALAM MO MATALINO KA KAGAYA KO ANG LAMANG KO SAYO E MAS GWAPO AKO SAYO GAGO!,” dagdag pa ni Sanchez.

Source: Erwin Tulfo | Billy Jack Sanchez

Leave a Reply

Theme by Anders Norén