Local News

Mga Ulo, Ikinalat sa Tourist Spot sa Mexico! Suspected Drug Cartel, Pinagbantaan pa ang Local Prosecutors!

Pauwi na mula sa kanyang trabaho ang isang 22-anyos na babae nang matagpuan niya sa isang lote sa Benito Juarez, Cancun ang tatlong ulo. Ayon sa ulat ng Daily Mail, isang sikat na tourist hotspot ang lugar.

Kasama ng mga ulo ay ang isang karatula kung saan pinagbabantaan ang mga miyembro ng hudikatura at mga prosecutors.

“Antonio Villalobos, Julio Moreno, Nesguer Ignacio Vicencio Mendez, keep on selling the state to (CJNG-Jalisco New Generation Cartel) sons of b*****s, you are going to d**,” sabi sa banner.

Si Julio Cesar Moreno Orendain ay ang Vice Prosecutor of the General Prosecution of the State. Si Antonio Villalobos Carrillo naman ay Judicial State Advisor, habang si Nesguer Ignacio Vicencio Mendez ay Sub-Secretary of Public Safety.

Ang mga natagpuan sa lugar ay hinihinalang mga biktima ng Mexican Cartel na mayroong operasyon sa naturang lugar at may koneksyon sa Sinaloa Cartel. Hindi pa nakilala ang mga biktima.

Hindi naman pinalampas ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr. ang pagkakataon upang birahin ang mga kritiko ng anti-drug campaign ng Duterte Government. Ayon sa Kalihim, tulad daw sa Mexico ang gustong mangyari ng mga human rights advocates sa Pilipinas. Pero nangako si Secretary Locsin na hindi ito papayagan ng kasalukuyang administrasyon.

“This is what human rights advocates of the drug trade what to turn the Philippines into. They regard freedom to traffic drugs among basic freedoms like religion, race and political persuasion. Well not on our watch. The death-dealing drug trade will be dealt with in kind,” sabi ni DFA. Secretary Locsin.

Source: Daily Mail | Department of Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin’s Twitter account

Leave a Reply

Theme by Anders Norén