Local News

‘Mga Umangal sa P50 M Cauldron, Tahimik sa P10 BILLION Water Issue’ – Writer

Sa huling bahagi ng Nobyembre ay naging laman ng mga balita ang P50 million cauldron na pinagawa ng gobyerno para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games. Ang halaga ng nasabing cauldron ay binatikos ni opposition senator Frank Drilon dahil sa diumano’y kalabisan o pagiging extravagant nito.

Sa isang panayam, dumepensa ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at ipinaliwanag na ang bulto ng pondo para sa cauldron ay inilaan sa flaming mechanism nito upang maging ligtas ang mga taong pupunta sa Clark Stadium.

Nitong umpisa ng Disyembre ay may matinding rebelasyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte tungkol sa kontrata sa pagitan ng nakaraang administrasyon at ng mga water companies. Ayon sa Presidente, dehado ang pamahalaan at ang taumbayan sa nasabing tagilid na kontrata.

Naglabas kasi ng hatol ang Singapore Court of Arbitration at pinagbabayad ang gobyerno ng Pilipinas ng danyos na P7.39 billion dahil sa lugi ng Manila Water noong hindi pinayagan ng pamahalaan ang kumpanya na magtaas ng singil sa tubig. Pinagbabayad din ng Singapore Court of Arbitration ang pamahalaan ng Pilipinas ng P3.4 billion sa Maynilad.

Sa isang pahayag, sinabi ni Department of Justice Menardo Guevarra ang concession agreements ng gobyerno sa mga water distributors. Magugunita na sinabi ni Pangulong Duterte na kakasuhan niya ng economic sabotage ang dalawang kumpanya. Banat pa ng Presidente Duterte, ginatasan daw ng mga water companies ang mga Pilipino ng bilyon-bilyon.

Sa isyu na ito ay nagasalita ang Manila Bulletin lifestyle writer na si Krizette Laureta Chu at binanatan ang mga bumabatikos noon sa P50 million cauldron at kung bakit tahimik ang mga ito ngayon.

“Mas importante pa pala sa inyo ang P50 million cauldron kesa sa P10 billion water fine. P10 billion for WATER. That they didn’t create. Where’s your outrage?” resbak ni Chu.

Ang social media post na ito ni Chu, ay umani ng daan-daang reaksyon at naibahagi na ng lagpas 1,000 beses habang isinusulat ang blog post na ito.

Source: Krizette Laureta Chu | Inquirer| ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén