Local News

Mga UP Students na Naging High-Ranking Communist Terrorists, Arestado!

Arestado ng otoridad ang ilang Communist Terrorist Group (CTG) personalities.

Sa pamamagitan ng Executive Order 70’s Joint AFP-PNP law enforcement operations, nasukol si Frenchie Mae Castro Cumpio sa Tacloban City. Si Cumpio ay Secretary ng Regional White Area Committee – Eastern Visayas Regional Party Committee (RWAC-EVRPC). Kasamang naaresto ni Cumpio ang apat na iba pa.

Sa implementasyon ng search warrant Search Warrant sa Calanipawan Street, Brgy. 96, Calanipawan, Tacloban City, Leyte, natimbog ng mga otoridad si Marielle Alvez Domequil, 22-anyos, miyembro ng RWAC-EVRPC at Finance Officer of Rural Missionaries of the Philippines-Eastern Visayas (RMP-EV).

Nakuha sa safe house sa Calanipawan street, ang ilang armas at perang aabot sa kalahating milyon.

Hindi rin nakaligtas sa mga alagad ng batas si Mira Dalla Destura Legion, 21-anyos, EXECOM Member ng KAGUMA-EV at Chairperson ng Anak Bayan sa Eastern Visayas.

Ang mga CTG personalities ay inaresto dahil sa paglabag sa RA 10591 o “An Act Providing for a Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions,” at pagsuway sa RA 9516 for illegally possessing explosives.

Base sa ulat ng CNN Philippines, sina Legion at Domequil ay graduates ng University of the Philippines Visayas.

“Ang pagkakaaresto kay Frenchie Castro Cumpio at ng kanyang mga kasamahan ay resulta ng ating pagtutulungan – impormasyon mula sa ating mga kababayan, teamwork ng ating security forces at suporta ng ating local na pamahalaan at mga ahensiya… Sinasabuhay na po natin ang whole-of-nation approach. Ipagpatuloy lang po natin ito at siguradong marami pa tayong mahuhuli at ma-neu-neutralize na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) at sama-sama nating ma-aaccomplish ang ating mission to end local communist armed conflict dito sa Eastern Visayas,” sabi ni Joint Task Force Storm Commander Major General Pio Q. Diñoso III.

Nasa kustudiya na ng Philippine National Police (PNP) regional office Leyte ang mga naarestong indibiduwal para sa documentation.

Ang mga nasa larawan ay sina Marielle Domequil (kaliwa), Frenchie Cumpio (gitna) at Mira Dalla Destura Legion (kanan).

Source: Philippine Information Agency | CNN Philippines | archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén