Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Mga Vloggers na Nagpo-Promote sa Pilipinas, INATAKE ng Taxi Driver!

Isang hindi kaaya-ayang pangyayari ang naranasan ng mga banyagang vloggers ng “Making it happen Vlog”
na nagpo-promote sa ating bansa. Sa kanilang pagbalik sa Pilipinas mula Japan, minalas sila at nasakyan ang isang balbal na taxi driver.

Ayon sa vlogger, wala daw silang makuhang service mula sa Grab kaya nag-taxi sila. Base sa pahayag ng vlogger, pinilit sila ng taxi driver na huwag gumamit ng metro at pati ang mga bagahe nila na isinakay sa taxi ay pinababayaran. Mapapanood din sa video na inihinto ng driver ang taxi nito sa isang highway. Sa isa pang punto sa video, sinabi ng vlogger na idinadaan sila mga kalsadang hindi dapat daanan.

Naging agresibo din daw ang taxi driver nang makitang kinukunan siya ng video at pinilit kunin ang cellphone ng mga biktima.

Hindi nagustuhan ng mga kababayan natin ang ginawa ng taxi driver. Ito po ang ilan samga komento ng netizens

“This makes me mad. Especially that you guys are very nice to the country – promoting it, etc,” – H. Marcelo.

“Hey guys please report this to police immediately, never tolerate this kind of behavior. I was saddened about this news´╗┐´╗┐,” – S. Ser.

Source: Making it happen Vlog

Leave a Reply

Theme by Anders Norén