Local News

‘Maraming Gag* sa UP!’ Bro. Eli, Binanatan ang mga Komunista bago Pumanaw!

Ngayong araw ay ikinalulungkot na inanunsyo ng Church of God International ang pagpanaw ng kanilang pinuno na si Brother Eli Soriano na nakilala sa kanyang programang “Ang Dating Daan”.

Matatandaan na dalawang linggo bago siya pumanaw ay naging aktibo ito sa pag suporta sa mga polisiya na ipinapatupad ng gobyerno kasama na rito ang pagputol sa University of the Philippines-Department of National Defense (UP-DND) Accord.

Ang nasabing accord ang nagbabawal sa mga sundalo o pulis na makapasok sa nasabing unibersidad ng walang pahintulot.

Ayon kay Bro. Eli ay masyadong nabigyan ng kalayaan ang mga estudyante ng UP at pati narin ng Polytechnic University of the Philippines (PUP).

“Dapat alamin mo, me gobyerno ang buong Pilipinas, nasa ilalim ka nun, bakit mo ipagbabawal na mag-interfere ang gobyerno mo samantalang ikaw ay nasa mababang kalagayan,” ani Soriano matapos sagutin ang katanungan ng isa sa kanyang mga miyembro na si Rona Esmedia estudyante ng PUP at parte ng student council ng nasabing unibersidad.

Inihalintulad niya ang mga namumuno ng mga state universities sa mga local government kung saan ay ang mga alkalde ay may sariling kapangyarihan sa kanilang nasasakupan, ngunit kailangan parin nilang sumunod sa provincial government at national government.

Ayon kay Esmedia ay may nangyayaring alitan sa pagitan ng mga estudyante at ng militar.

“Ang nangyari sa amin sa konseho eh na red tag kami, so ibig sabihin ng na red tag, me allegation na meron sa aming parte ng NPA (New People’s Army), ngayon lang ang kinakatakot lang namin dahil na red tag nga kami andun nakasalalay yung buhay namin, so andun yung pagtatanong kung dapat ba kaming lumaban against sa red tag allegation namin o dapat ba kaming magpasakop kasi yun din ang nababasa ko sa Bibliya?” tanong ni Esmedia sa televangelist.

Sagot naman ni Bro. Eli ay wala dapat silang ikatakot.

“Kahit saang unibersidad, pag ayaw nyo, nag re-resist kayo na pakialaman kayo ng gobyerno in whatever manner for the good of the institution which is state-owned, hindi mo sarili yan,” saad ni Bro. Eli.

Binanatan din ng Bro. Eli ang mga namumuno sa UP, PUP at sa iba pang unibersidad dahil hinahayaan lang nila ang mga estudyante nila na kalabanin ang gobyerno.

“Bakit? Eh masyadong pinalaya kasi. Bakit ka manghihingi ng accord na hindi kayo pwedeng pasukin, bakit hindi pwedeng pumasok ang mga pulis? Kaya nagiging breeding ground ng mga mga NPA yan na kalaban ng gobyerno,” paliwanag ni Bro. Eli.

Tinanong niya rin ang kanyang miyembro na si Rona kung gusto niya bang matulad sa mga napariwang estudyante.

“Ikaw ba Rona gusto mong pumaris dun sa mga ganun? Nagtitiis yung mga magulang mo para paaralain ka sa pinakamataas na institusyon sa Pilipinas, nagtitiis na hindi kumakain ng masarap para lang masustentuhan ang pag aaral mo tapos mamayang konti mababalitaan ng nanay mo nasa bundok, ka kababae mong tao me dala-dala kang armalite,” sabi niya.

Gusto lamang daw ni Bro. Eli na maintindihan ng mga kabataan ang tunay na sitwasyon.

“Eh meron na ngang ebidensya, nagiging breeding ground ang UP ng mga NPA, merong mga recruiting agency dyan para lasunin ang kaisipan ng mga kabataan, para palabanin sa mga gobyerno,”

Leave a Reply

Theme by Anders Norén