Local News

Military Helicopter Deal ng Pilipinas at Russia, Pipirmahan na!

Sa pagtungo ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa bansang Russia, isa sa mga kasunduan na pipirmahan ay ang pagbili ng $14.7 million o Php 12.5 billion halaga ng mga military helicopters (Mi-17i medium-lift helicopters). Ang impormasyong ito ay ibinunyag ng senior armed forces official.

“The procurement will be made under the military’s second horizon phase of the 15-year modernization program,” sabi ng senior military official.

Nakipagpulong kay Pangulong Duterte ang kinatawan ng Russia at military equipment exporter Rosoboronexport noong nakaraang buwan upang plantsahin ng maigi ang kasunduan sa pagkuha ng mga sasakyan panghimpapawid. Nangako din daw ang Russia ng karagdagang helicopter bilang “deal sweetener”.

Ang helicopter deal ay pipirmahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at ng mga executives
ng Rosoboronexport. Sasaksihan naman nila Pangulong Duterte at ni Russian President Vladimir Putin ang lagdaan.

Magugunita na kinansela ni Presidente Duterte ang $233 million helicopter deal sa Canada dahil nangangamba daw ang Canada na magamit ang mga helicopters para labanan ang mga rebelde sa Pilipinas. Nababahala din daw ang Canada na magamit ang mga ito sa paglabag sa karapatan pantao. Pinalagan ni Presidente Duterte ang tila pagpapataw ng mga kanluraning bansa ng mga kondisyon.

“I want to tell the armed forces to cut the deal, don’t proceed anymore and somehow we will look for another supplier. We respect the stand of Canada… (Do not buy) from Canada or from the United States because there is always a condition attached,” sabi ni Pangulong Duterte.

Maliban sa helicopter deal, may ilang pang kasunduan na pipirmahan ang dalawang bansa.

Magugunita na bumili din ang ating bansa ng daan-daang rocket propelled grenade (RPG-7) sa Russia, ito ay sa kabila ng babala ng Estados Unidos na maaring magkalamat ang espesiyal na relasyon ng Pilipinas at ng Amerika.

Nagbigay din ang bansang Russia ng donasyon sa Pilipinas ng mga AK-47 rifles at mga army trucks noong 2017.

Source: News5 | Reuters

Leave a Reply