Local News

“Minamaliit mo ang Sakripisyo ng Taong Lumalaban sa Drugs” PDEA, Rumesbak kay Leni!

“We are really in uproar about this… It’s like downplaying the sacrifices of all those people who put their lives and limb on the line everyday,”

Ganito ang reaksyon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesman Derreck Carreon sa pinagsasabi ni Vice President Leni Robredo na kakaunti lang ang nakukumpiskang droga sa kampanya-kontra droga ng Duterte Administration.

Magugunita na sa isang press conference, pinakita ni Robredo ang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) report nito. Sinabi din ni Robredo na “massive failure” at “1 out of 100” ang grado ng kampanya kontra-droga ng Duterte Administration.

“Failure talaga siya… Isipin na lang natin kung exam ito, ang magiging score ng ating pamahalaan ay 1 over 100… Kung gusto talaga nating tapusin ang salot ng mga iligal na droga, mga malaking supplier at hindi lang ang maliit na pusher ang kailangan nating habulin… Sa kabila ng lahat ng Pilipinong pinatay at lahat ng perang ginasta, hindi lumampas sa 1 percent ang naipit natin sa suplay ng shabu at sa perang kinita mula sa droga,” patutsada ni Vice President Robredo.

Dagdag pa ni PDEA Spokesperson Carreon, mas maraming iligal na droga ang nasabat sa panahon ng Duterte Administration kumpara sa termino ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Kung sa dating administrasyon daw ay umabot lang ng 3.29 tonelada ang nakumpiska, ngayon sa Duterte Administration ay pumalo sa 5.24 tonelada ang nasabat ng otoridad mula sa mga durugista.

Nagsalita na rin ang Philippine National Police (PNP) patungkol sa pinagsasabing datos ni Robredo. Ayon kay spokesman Brig. Gen. Bernard Banac nagmula daw sa “wild guess” o “hula” ang impormasyon na ginamit ni Robredo para sa ulat nito.

“It’s even conservative compared with the estimate of the PDEA… Nobody can really tell, that’s why we just had a discussion to really have an appreciation on how big the problem is,” pahayag ni PNP Spokesperson Banac.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén