Local News

“Minana lang ni DU30 ang Proyekto kay Noynoy!” Drilon, Pinilit na Palpak ang “Build. Build. Build.” Program!

Matapos mabanatan ni Presidential SPokesperson Salvador Panelo dahil sa pagsabi na palpak ang ang “Build. Build. Build.” program ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, pinilit pa rin ni Senador Frank Drilon na bigo ang programa ng kasalukuyang administrasyon.

“Some of those 53 projects, – it was admitted on record – are ongoing projects. So isinama doon sa flagship projects para sabihin siguro at the end of this administration, they can claim na out of 100 flagship projects, so many were done, so they will get good grades. There is nothing wrong with that but, maybe, transparency would be a better standard,” sabi ni Drilon.

Ayon pa sa ulat ng News5, sinabi umano ni Drilon na minana lang ni Pangulong Duterte ang ilang proyekto mula sa Administasyon ni former President Noynoy Aquino.

Kinontra naman ni ALbay Representative Joey Salceda ang pahayag ni Drilon. Imbes na tawagin palpak ang programa, ay dapat bigyan ang Pangulong Duterte ng kapanyarihan para maipatupad ang mga proyekto. Ito daw ang dahilan kung bakit isinusulong niya ang special powers para kay Pangulong Duterte.

“Instead of declaring it and pronouncing it as a failure, I think congress is duty bound to give the President everything he needs. Ngayon, sinabi na dismal failure, gawin nating success. Kaya bigyan natin ng special powers (si Pangulong Duterte),” ayon kay Albay Congressman Salceda.

Magugunita na sa isang panayam sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kabalbalan ang mga boladas ni Senador Drilon.

“Ikaw naman parang hindi ka na nasanay sa kabalbalan ni Senador Drilon. Alam mo sabi ko nga kahapon sa MPC (Malacañang Press Corps.), ‘yung administrasyon na iyong pinanggalingan, kahit isang infrastructure ay walang nagawa at naumpisahan,” sabi ni Panelo.

Sa isang press briefing sa Malacañang, iprinisinta ni Bases Conversion and Development Authority President Vince Dizon ang mga nagawa na ng Duterte Administration pag dating sa mga infrustructure project.

Source: News5 | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén