Balitang Lokal, Local News

Miss Universe Canada, Umalma sa “Racist” Comments ng Ilang Pageant Fans!

“Your hate takes away the fun and enjoyment from this once in a lifetime experience. Is it really that difficult to spread love instead of hate?”

Ganito ang ilan sa mga binitawang salita ni Miss Universe Canada Nova Stevens sa kanyang social media account, matapos umanong makatanggap ng mga di kaaya-ayang komento mula sa ilang beauty pageant fans.

Ayon kay Stevens, ang kagandahan ay hindi umano eksklusibo sa isang grupo ng tao, kundi dapat itong tingnan magkakaiba man ang anyo ng bawat isa.

“No one is saying you HAVE to support all contestants, all we’re saying is that you support your delegate without bringing others down. You don’t need to dim someone’s light in order for you to shine,” dagdag pa ni Stevens.

Sa kanyang post sa social media, may mga mababasang screenshots sa larawan ni Stevens na sa wikang Filipino nakasulat. Gayunman, nilinaw ng kandidata na hindi niya nilalahat ang mga tumatangkilik sa mga pageants mula sa Pilipinas. Aniya, nais lamang niyang iparating sa lahat na mas makabubuti kung gagawing masaya ang mga pageants para sa lahat.

“Please see the beauty that is in this world. We don’t need to look the same, we just need to treat each other the same,” saad ni Stevens.

“In case it’s not clear. I don’t think all Filipinos are racist. That would be ridiculous to say. This picture with texts was constantly being sent to me recently which is why I shared it. I’m well aware that there are multiple countries that think this way. I’m sharing this as a teaching moment so that we can make pageants fun and enjoyable for all,” paliwanag pa ng dalaga.

Sa isang hiwalay na post, humingi ng pasensiya si Stevens sa kanyang mga Pilipinong tagasuporta na naapektuhan sa nauna niyang pahayag.

“My post wasn’t intended to incite more hate; rather shed light on the toxicity that sometimes hails from fans (from all over the world). The last thing I want is for anyone to experience hate so please don’t bash or generalize the Filipino fans; not all are racist,” saad ni Stevens.

“Root for the girls, they deserve to be celebrated and spoiled with lots of love. They’ve worked so hard. Give them the best gift you can give anyone; if you’re not sure what that gift should be, I’ll help you out. Give them love. Nothing else. Just love,” pagtatapos ng kandidata.

Samantala, personal namang humingi ng paumanhin ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Rabiya Mateo kay Stevens dahil sa nangyari.

“I actually personally sent messages to Amanda, to Nova saying sorry because these hate speeches that we see online, this is not a reflection of who we are as Filipinos,” saad ni Mateo.

“I can say that we do love pageants, and we support girls. And with Miss Universe, the goal is to celebrate the differences and to be with the girls and the cause that they stand for.” dagdag pa ng dalaga.

Source:
ABS-CBN News
GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: