Local News

Mister na Babaero, Lalakero din! Inireklamo ni Misis!

Dumulog kay Mister Raffy Tulfo ang misis na si Lita Alvarez, 33-anyos, para ireklamo ang kanyang mister na babaero. Isiniwalat din ni Lita na hindi lang daw nahuhumaling ang kanyang mister sa mga babae, kundi pati sa mga lalaki din daw.

Nakilala ang inirereklamo na si Marlo Alvarez, 35-anyos at isang guro sa kolehiyo. Si Marlo at si Lita ay naging mag-asawa ng 13 taon.

“Noong nakipaghiwalay po siya sa akin, nakita ko ‘yung picture ng lalake niya sa cellphone niya. Tapos ‘yun daw ang nagpabago sa buhay niya. Pero paiba-iba siya ng lalake,” sabi ni Lita.

Base pa sa pahayag ni misis, mga estudyante daw ni Marlo ang mga kalaguyo nito. Para patunayan ang mga akusasyon, naglabas si Lita ng mga larawan para magsilbing ebidensiya niya laban sa mister.

Nagpag-alaman mula kay Marlo na nagpapadala pala ito ng isa hanggang apat na libo kada buwan sa kanyang misis upang panggastos sa 2 mga anak. Kaya kinuwestiyon ito ni Raffy Tulfo. Ayon kay Tulfo, hindi ito sasapat para sa 2 anak.

Source: Raffy Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén