Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Miyembro ng Panday Sining, Kinalakad at Inupakan matapos Mahuling Nagba-bandalismo?

Sa kanilang Facebook page, inalmahan ng Panday Sining ang diumano’y ginawa sa mga miyembro nila na inaresto kahapon dahil sa bandalismo. Ayon sa grupo, nakatikim daw ng bugbog at kinalakad pa raw ang mga kakosa nila.

“We condemn in the strongest terms the arbitrary abduction and arrest of the members of Panday Sining by the Manila Police Department this afternoon. Four of our members were abducted by police in civilian clothing while riding a jeepney around the vicinity of Mendiola after the successful Bonifacio Day protests by workers and youth. Among the arrested was a minor. They were man-handled and b–ten while being dragged outside the jeepney,” pahayag ng Panday Sining sa kanilang social media account.

Nanawagan din daw sila ng pagpapalaya sa mga inarestong miyembro.

“We demand the immediate release of these people’s artists. We demand an end to the Duterte regime’s tyranny amid the people’s just demands,” boladas pa ng Panday Sinng.

Ayon sa Panday Sining, hindi raw sila titigil sa paggawa ng art (bandalismo) para sa demokrasya.

“We call on all artists and cultural workers to create and distribute art that exposes genuine social realities and articulates the people’s demands. Panday Sining will not cower and stop in its mission to create art that arouses, organizes, and mobilizes the masses. Panday Sining’s audience, the broad masses of the people will continue to advance in its struggle to oust this despotic regime and achieve national liberation and democracy!,” dagdag pa ng Panday Sinng.

Kahapon ay inaresto ng mga tauhan ng Maila Police District ang mga miyembro ng Panday Sining na nahuling nambababoy na naman ng public property.

Nagbigay naman ng pahayag si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga inarestong Panday Sining.

“You were warned. Nag-abiso na ako. Nananawagan po ako na huwag ninyo nang ulitin. Inulit niyo pa rin. Sinusubukan niyo kung may batas at liderato sa Maynila. Kailangan niyo pong harapin ngayon ang bisa ng batas,” banat ni Mayor Isko.

Sapul sa video ang ginagawang bandalismo at pambabalahura ng Panday Sining sa isang poste ng Light Rail Transit (LRT) kahapon habang nagsasagawa sila ng rally.

Narito naman po ang video kung saan makikita ang ilang miyemrbo nila na inaaresto ng kapulisan.

Source: Panday Sining | Mayor Isko Moreno | News5 | ABS-CBN | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén