Local News

MMDA Chairman Danilo Lim, Pumanaw na!

Ayon sa ulat ng Daily Tribune at ng Manila Bulletin, pumanaw na si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim.

Ayon sa ilang kilalang personalidad, sumakibilang buhay ang opisyal dahil sa kumplikasyon na dulot ng Covid-19.

“Condolences to the family of MMDA Chairman Danny Lim who succumbed to complications arising from COVID.” sabi ng abogada na si Atty. Trixie Cruz-Angeles.

“Breaking News: MMDA Chairman Danny Lim has died, allegedly due to COVID-19 complications,” saad naman ng Radio Host na si Mark Lopez.

Magugunita na noong Disyembre 29, 2020 ay inanunsiyo ni Lim na nag-positibo siya sa covid-19.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, kinumpirma na ng MalacaƱang ang pagpanaw ng opisyal. Pumanaw si Lim sa edad na 65.

Source: Daily Tribune | Atty. Trixie Cruz-Angeles | Mark Lopez | Manila Bulletin | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén