Local News

MMDA Exec, Minura-mura ng mga Pasahero ng Bus sa EDSA!

“We don’t deserve this,”

Ganito na lang ang naibulalas ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Task Force Commander Bong Nebrija nang makarinig siya ng pagmumura at masasakit na salita mula sa mga galit na pasahero ng bus na kanilang tinekitan sa EDSA dahil sa paglabag sa bus segregation na ipinatutupad ng ahensiya.

Banat ni Nebrija, hindi dapat magalit ang mga pasahero dahil ginagawa lang nila ang kanilang tungkulin at trabaho na maisa-ayos ang EDSA. Kinainis din ni Nebrija na tila sila pa ang sinisisi sa trapiko. Ayon sa opisyal ng MMDA, imbes na magalit ang mga pasahero ay dapat magpasalamat ang mga ito dahil ginagawa nila ang kanilang tungkulin.

“‘Yung pagmumura, we don’t deserve that. We need the respect we deserve for implementing the law. Magpasalamat ka sa akin na ginagawa ko trabaho ko,” sabi ni Nebrija.

Dahil sa insidente, nalaman ni Nebrija na hindi lang mga pasaway na bus drivers ang kalaban ng mga enforcers sa EDSA, kundi pati ang mga pasahero ng mga ito.

Ang EDSA ay isa sa mga kalsada sa bansa na mayroong pinakamalalang trapiko. Sa pag-aaral naman ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong 2017, sinabi ng organisasyon na nalulugi ang Pilipinas ng humigit-kumulang P3.5 million kada araw dahil sa malalang trapiko sa Metro Manila.

Kahapon ay naghain na ng panukalang batas ang bagong senador na si Francis Tolentino na naglalayon na mabigyan si Pangulong Rodrigo Duterte ng “emergency powers” para solusyunan ang masikip na daloy ng trapiko. Sa ilalim ng panukalang batas ni Tolentino, ang transportation secretary ang magsisilbing traffic crisis czar. Nakasaad din sa panukala na posibleng pabuksan ang mga villages at subdivisions para magamit ng publiko. Tatagal ang emergency powers na ibibigay sa Presidente sa loob ng 2 taon matapos maging ganap na batas ang panukala.

Panoorin ang buong video mula mismo kay Nebrija.

Source: ABS-CBN | Bong Nebrija | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén