Local News

“Modern Technology” Dumami ng Higit 300% ang Air Traffic Radars ng Pilipinas!

Malugod na ibinahagi ng Department of Transportation ang balita tungkol sa pagdami ng air traffic radar ng Pilipinas. Kung noon daw kasi ay 3 lang ang radars ng ating bansa, ngayon ay nasa 13 na ang nakakasakop sa 100% ng airspace ng bansa.

Ayon sa DOTr, sa pamamagitan daw ng makabago at modernong teknolohiya na ito ay mas magiging ligtas ang pagbiyahe sa himapapawid sa ating bansa.

Naisakatuparan ang proyekto sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DOTr at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ikinatuwa naman ng ilang kababayan natin ang ginawa ng DOTr at ng CAAP. Umani na ito ng mahigit dalawang libong reaction sa social media page ng DOTr at naibahagi na rin ng higit 400 beses.

“Tama na! Nagmumukang unutil na ang past administration. Wala bang palpak na balita, puro success at progress eh! 😛😆 Gudjab! dotr,” sabi ni M. Adsuara.

“Kudos DOTC through the leadership of Sec. Tugade. Andami nang nagagawa at improvements in terms of transportation. Keep up the good work. The real Filipinos appreciate all your efforts. Layas mga talangka sa page na to!” sabi ni R. Jimenez.

“DOTr is one of the best- performing departments in the govt under Sec Art Tugade. I will vote for him should he decide to run for public office.,” sabi ni J. Carandang.

“Ksi Hindi Malalalim ang BULSA ng Puno hanggang Ugat ng namumuno ng bansa.. Thanks DOTC,” sabi ni G. Lim.

“The best tlga pag may mga puso ang nkaupo slmat Dotr Tugade d ngkmli c tatay digong n ikw ang inilgay nya pwesto nyo God bless po sainyo long live,” sabi ni H. Madarang.

Source: DOTr

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: