Local News

Modernong Makapili, Kinilig sa Panalo ni Biden dahil Ikakabagsak daw ni DU30! – Radio Host

Hindi pinalampas ng TV personality na si RJ Nieto aka Thinking Pinoiy ang ilang nagbubunyi sa pagkapanalo ni former US vice president Joe Biden bilang Pangulo ng Amerika.

Ayon kay Nieto, may ilan daw kasing natutuwa dahil ang pagwawagi ni Biden ay hudyat daw ng pagbagsak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Para kay Nieto, ang mga naturang indibiduwal daw ay mga modernong Makapili.

“Yung kilig na kilig sa Biden victory dahil kesyo ikababagsak na raw ni Duterte. Nangangarap ulit ang mga 21st Century Makapili.😑” banat ni Nieto.

Noong panahon ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas, may mga kababayan tayong tumutulong sa mga Hapones, sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga Pilipinong Guerilla, ang tawag sa mga ito ay Makapili. Kadalasan ay may suot na bayong ang mga ito kanilang ulo upang maitago ang kanilang pagkakakilanlan. Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, nagbago ang kahulugan ng Makapili at ito ngayon ay ibinabansag na sa mga taong traydor.

Walang pinangalanan si Nieto ukol sa mga modernong Makapili pero may ilang personalidad na mula sa hanay ng may ayaw kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nagagalak sa pagkapanalo ni Biden at nagbabala pa matutulad ang Pangulo ng Pilipinas sa kapalaran ni US President Donald Trump.

Kamakailan lang ay binanatan din ng dating mamamahayag na si Jay Sonza ang mga nasabing personalidad. Ayon kay SOnza, binubuhay daw ng mga ito ang kanilang pag-asa sa pagkapanalo ni Biden.

“Binubuhay ng yellowmite ang sariling dugo sa panalo ni Biden sa US polls. Mga yellow bossings, sina Biden & Harris lang ang nanalo. The blues mostly lost to their red opponents in the state level elections. Ang state level elections ay katumbas ng halalang pambansa sa Pilipinas. Napunta rin ang mga kandidato ng democrats sa inidoro gaya ng otso direcho ng 3-percenters sa Pinas. Pero sige lang, walang naman bawal sa panaginip na may kasamang bangungot. Oks lang. robredo-diokno 2022? robredo-trillanes 2022? Kiko & Risa 2022? Jim Jakol-Pab Jover sa 2022? Agot-Hilbay sa 2022? Arnold-Karen sa 2022? Kung gusto nyo iyan, hala sige, fight. ibigay ang hilig,” banat ni Sonza.

Source: Thinking Pinoy | GMA News | Jay Sonza

Leave a Reply

Theme by Anders Norén