Local News

Modernong Teknolohiya, Ginamit na ng Gobyerno para Mabilis na Malinis ang Pasig River!

Malugod na ibinahagi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang modernong teknolohiyang gamit nila sa paglilinis ng ilog Pasig.

Sa pakikipagtulungan ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) at Metro Manila Development Authority (MMDA), gumamit ang pamahalaan ng makinang tinatawag na trash skimmer para mapabilis ang pagkuha ng basura sa nasabing ilog. Sinimulan ang paggamit nito noong Hunyo 27 pa.

Ayon sa DENR, kayang kumolektya ng 400 hanggang 700 na sako ng basura ang modernong teknolohiya kada araw. Sa ngayong ay ginagamit ang makina tuwing weekdays. Sakop ng paglilinis ang mga lugar mula Nagtahan bridge patungong Ayala Bridge. Damay din sa paglilinis ang Parola malapit sa Baseco Compound.

Tumutulong din sa paglilinis ang River Warriors ng PRRC. Ang grupo ang nangngasiwa sa paglilipat ng dumi na nahahakot ng trash skimmer. Ang MMDA naman ang nagdadala ng basura sa pinakamalapit ng transfer station.

Ito po ang isang halimbawa kung paano gumagana ang makinang trash skimmer.

Ikinatuwa naman ng ilang kababayan natin ang modernong paraan ng gobyerno para linisin ang Pasig River.

“Wow, a skimmer for the Pasig River, at last! ❤️❤️❤️ What kind of machine would be suited to clean the esteros? Keep up the great job DENR!,” sabi ni D. Anudhyaná.

“It’s commendable that finally, DENR and the Administration are doing something to alleviate the severely polluted rivers, tributaries and the ocean. Pollution destroys everything nature has to offer. These efforts by our government to render a cleaner and sustainable environment can only be successful over the long term if every citizen of the country to their part in realizing to sustain this noble effert. Please protect the earth/ocean that sustain us all,” sabi ni A. Undan.

“The denr should buy 3 more skimmers and every city should buy at least one unit to end this garbage problem at Manila bay and pasig river . Kudos for a job well done denr and prrc. May this technology be replicated in other parts of the country.,” sabi ni M. Art.

Source: DENR | Tech Insider

Leave a Reply

Theme by Anders Norén