Local News

“Never akong Nagalit ng ganito! Mukha kaming Nababoy!” Sharon Cuneta may bagong boladas!

Sa panibagong video ni Mega star Sharon Cuneta dinepensahan niya ang kanyang sarili laban sa mga batikos na tinatanggap niya sa social media.

“Kaya lang never akong nagalit ng ganito, kasi mukha kaming, excuse the word, ‘nababoy’ ng ganito. Mothers will understand. And to those of you who don’t, I’m really sorry. That’s not my problem anymore. I can only hope that someday, you come to understand… ve been getting a lot of bashing because of my fighting for Frankie. Now they’re using these words na mayabang. Hindi ako nagyabang about my wealth kasi alam na ng tao yun noon pa,” sabi ni Cuneta.

Magugunita na naging laman ng mga balita si Sharon at ang anak nito na si Frankie Pangilinan dahil sa usapin tungkol sa rape.

Matatandaang sinagotsagot ni Frankie ang broadcaster na si Ben Tulfo nang magpayo ito sa anak ng megastar tungkol sa isyu ng rape.

Dumating pa sa puntong may netizen na nagbanta kay Frankie dahil sa batas na gawa ng tatay nito na si Senador Kiko Pangilinan. Si Senador Kiko ang isa sa mga may akda ng Juvenille Justice act kung saan hindi pwedeng ibilanggo ang mga menor de edad na mga kriminal.

Source: Inquirer | Archive | Sharon Cuneta Network

Leave a Reply

error: