Local News

“Mukhang Nalimutan na niya ang Video niya” Revilla Camp, Niresbakan si Jim Paredes!

“Mukhang nalimutan na ni Jim Paredes ang video scand-l niya at tumitira na naman siya at ang target, si Bong Revilla naman. Dapat nga, masaya siya dahil tulad ni Bong, mukhang nalimutan na rin ng tao ang intriga tungkol sa video na lumabas,”

“Huwag masyado political at fault finder Jim Paredes… Lagi mo balikan iyon araw na pumutok iyon video scand-l…Maging aral iyon sa iyo”

Ganito ang mga resbak na pinakawalan ng veteran entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis laban sa OPM singer at songwriter na si Jim Paredes. Magugunita na kumalat ang kontrobersiyal na video ni Paredes noong kasagsagan ng election campaign na naging dahilan kung bakit pansamantalang umalis si Paredes sa social media.

Ang buwelta ni Solis ay reaksyon nito sa pambabatikos ni Paredes laban sa GMA network dahil sa pagbabalik telebisyon ni Senador Bong Revilla. Naiulat kamakailan lang ng Philippine Entertainment Portal (pep.ph) na si Revilla ang magho-host ng programang “Daig Kayo Ng Lola Ko”.

“PERA PERA PERA lahat. OK Lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan? C’mon GMA. You can do better than this,” sabi ni Paredes sa kanyang social media account.

“Why would a franchise ALLOW this? That is the bigger question. They have social and corporate responsibilities. The airwaves belong to the Filipino people,” dagdag pa ng mang-aawit.

Magugunita na nasangkot si Senator Revilla at ilan pang mga mambabatas sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam noong 2013. Pero napawalang-sala si Revilla noong 2017 dahil sa kakulangan ng ebidensiya laban dito.

Ayon kay Solis, dapat bigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga taong nagkamali at gustong magbago para sa ikabubuti.

“Kailangan bigyan mo ng chance ang mga tao na bumabangon muli mula sa pagdapa, kailangan mas maunawain ka kapag iyon binigyan ng second chance nakabangon uli,” sabi ng talent manager.

Pinuna rin ni Solis ang reaksyon ni Paredes sa panukalang batas na isinusulong si Revilla upang mabigyan ng benepisyo ang mga senior citizens.

“Iyon bill ni Sen Bong Revilla na mas maaga ibigay ang benefits ng mga senior citizen pinuri na ng mga netizen, bakit heto si Jim Paredes na sarcastic tungkol dito?” ani Solis.

Ayon sa ulat ng Inquirer noong 2018, si Solis ay talent manager ni Revilla.

Source: News5 | PEP | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén