Local News

‘Mukhang Palito ka pa rin!’ Agot Isidro, Sinupalpal ng Social Media Personality na si Jam Magno

Hindi na nakapagtimpi pa ang kilalang social media personality na si Jam Magno matapos ipakita ng aktres na si Agot Isidro ang dating itsura nito sa kanyang Twitter page.

Sa kanyang Twitter ay ipinakita ni Agot ang tila malaking pinagbago ng itsura ni Jam.

“Gurrrlll. Ikaw ba ito? Infernesssssssss…” ani Isidro.

Agad namang sinagot ni Jam si Agot at sinabi na natural lang diumano na gumanda siya dahil hindi naman siya negatibong tao katulad ng aktres.

Ayon sa kanya ay galing mismo kay Jam ang nasabing litrato upang patunayan na may gaganda ang tao kung hindi ito nag iisip ng negatibo sa buhay.

“It’s proof kasi Agot na kapag hindi ka negatron, ikaw kasi puro ka negatron kaya pumapangit ka at papangit ka at wala ng gaganda pa sa’yo,” ani Jam.

“That’s all you can come up with, yung pangit ako sa picture?” dagdag niya pa.

Kwento niya ay si Senador Manny Pacquiao ang kasama niya sa nasabing litrato na sana’y binuo daw ni Agot para maipagkumpara din ang itsura ni Pacman noon at ngayon.

Sinabi ni Jam na gumanda rin ang itsura ng Senador ngayon habang si Agot ay hindi parin daw nagbabago ang itsura.

“Ikaw Agot, ba’t mukha ka paring palito hanggang ngayon?” saad ni Jam.

Sa caption na inilagay niya sa kanyang post ay sinabi pa ni Jam na kahit sinong santo daw ay hindi mababago ang itsura ng aktres.

Inamin niya rin na nagpagawa siya ng ilong noon, ngunit hindi siya naniniwala na kahit ang doktor na nagpaganda sa kanya ay kayang pagandahin si Agot.

“Kaya kahit prayers kay Padre Pio, Kahit himala mula sa Sto. Niño, malamig na tubig at pinagsanib pwersa ni Belo, Teo at Calayan, di mababago at di hamak na mas mukhang tao at iconic pa si Palito kaysa sayo,” banat niya.

Source: Jam Magno

Leave a Reply

Theme by Anders Norén