Local News

Muslim Prayer Mat Ginamit bilang Doormat sa ABS-CBN Program!

Sangkot na naman sa bagong isyu ang ABS-CBN matapos gamitin ang sojada/sajadan bilang doormat sa kanilang programa na “Maalaala Mo Kaya”. Ang sojadan ay ginagamit ng gma kapatid nating muslim para sa pagdarasal. Sa isang eksena sa prgrama ay makikita ang bida na si JC alcantara na tumapak sa sojadan.

Imalma naman ang Facebook page na UGH sa ginawa ng programa.

“Respeto naman sa mga MUSLIM ginawa nyong doormat yung SOJADA ng mga Muslim na ginagamit sa pag Prayer… Na curious lang ako sa sinabi ng pinsan ko about sa episode ng MMK last night, ginawa daw nilang doormat ang sajadan/prayer mat. So pinanood ko sa youtube. Totoo nga. (sad emoji) Hindi ako nagpapaka religious ah. Napansin ko lang din (sad emoji),”

Maraming mga kababayan din natin ang nadismaya sa ginawa ng programa.

“The Amount of Disrespectful to this Picture. nakita po yan sa MMK, palabas nyo ho tapos po yan pong tinatapak tapak nyo po ay prayer mat po yan sa aming mga muslim. Yan po ginagamit namin sa tuwing magsisimba kami”

“I am so dissapointed at this moment! We muslim used sudjada when we are praying this is something na important samin. Its really sad na makikita mo sa isang series ng MMK that they used it as a decor lang, ang malala door mat po this is so insensitive”

Dahil sa nangyari ay humingi naman ng paumanhin ang production team ng nasabing programa.

“MMK expresses deep regrets for a scene in last Saturday‚Äôs episode that may have offended its Muslim viewers… It was an honest mistake and we offer no excuse for this lapse in production…. We thank our viewers for the feedback and promise to do better”

Source: Inquirer | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén