Local News

‘My case was mishandled’ Dating PH Ambassador sa Brazil na Nangmaltrato Umano ng Kasambahay, Umaapela sa Pagkakasibak sa Pwesto!

“Mishandled”.

Ganito inilarawan ni dating Philippine Ambassador to Brazil na si Marichu Mauro ang naging pag-abruba ni Pangulong Duterte na tanggalin siya sa kanyang posisyon, matapos kumalat ang balitang minamaltrato nito ang sariling Pilipinang kasambahay na nakuhanan pa ng CCTV sa loob mismo ng diplomatic residence.

“I signed the document affirming the decision which metes out the penalty of dismissal from the service, with the accessory penalties of cancellation of the eligibility, forfeiture of retirement benefits, perpetual disqualification of holding public office and bar from taking civil service examination. Iyan ho ang parusa niya,” saad ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Mauro, hindi umano naging patas ang desisyon na ito laban sa kanya lalo’t hindi raw napakinggang mabuti ng Department of Foreign Affairs ang kanyang panig ukol sa mga tunay na nangyari.

“My case was even mishandled. There were heavy deficiencies committed by the DFA Hearing Panel. I wish the DFA had considered the letters of support from overseas Filipinos attesting that I am not the cruel person depicted in those uncontextualized videos.” saad ni Mauro.

Matatandaang sa kuha ng mga CCTVs na ibinalita noon sa Globo News sa Brazil, nakita ang ilang serye ng umano’y pananakit ni Mauro sa 51-anyos nitong kasambahay na isa ring Pilipina. May mga pagkakataong nahuli sa camera na sinasampal nito ang nasabing kasambahay, pinipingot at hinahampas ng payong.

“I completely regret the incidents in the videos and the shame it has brought upon the Department of Foreign Affairs… I want to reassure the public that I have made amends and have deeply regretted my behavior. I have asked my kasambahay’s forgiveness, which she has given.” saad ni Mauro.

“Personnel of the Philippine Embassy in Brazil attested in their sworn affidavits that this serious breach of security through illegal wiretapping was committed by the Brazilian local hires, one of whom was fired with DFA’s authority. These selected footages were illegally and stealthily obtained, patched together and eventually released to the Brazilian media to shame and embarrass me,” dagdag pa ng dating embahador.

Patuloy pa ni Mauro, mas magiging magaan umano para sa kanya ang naging resulta ng desisyon kung naging patas lamang ang paghatol sa kanya.

“I am left with very limited options especially since I was so publicly judged. The organization that should have at least protected me and shielded me from trial by publicity even largely contributed to it. With their final act, they have disregarded the rule of law, and made a victim of yet another woman who was simply a hardworking and dedicated civil servant and ‘a fine diplomat’,” saad pa ni Mauro.

Nauna nang sinabi ni Mauro na halos 30 taon nang naninilbihan sa kanila ang nasabing kasambahay, at ang nangyaring insidente umano ay itinuturing niyang “problemang pampamilya”.

Source:ABS-CBN News | ABS-CBN News | ABS-CBN News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén