Local News

Mystica, Gagastos ng Milyones para Kontrahin ang Kasong Sinampa sa kanya ni Arnell Ignacio!

“Wanted ASAP! I need the best lawyer to represent my 8 cases against Arnell Ignacio!”

Ayon kay Ruby Villanueva o mas kilala sa tawag na Mystica, inihahanda ang pangontra niya sa kasong isinampa sa kanya ni former Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio. Sa kanyang live video sa social media, binatikos niya si Ignacio at sinabing hindi niya pinababa sa pwesto si Pangulong Duterte.

“Kung inciting to sedition ang aking kasalanan ngayon, why sedition ba ang ginagawa ni Vice President Leni Robredo at that time? Sedition ba na kinakailangan ay mag incite din ako kung ano ang ginagawa niya, para sabihing sedition… inciting?… Kaya ikaw Arnell, bago ka gumawa ng kag*guhan, kayabangan, tignan mo muna pati ‘yung description basahin mo and obviously you didn’t listen to the whole video,” boladas ni Mystica.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi naman ni Mystica na mayroon siyang milyones. Gagastusin niya daw ito para sa kanyang legal battle laban kay Ignacio.

“Wala na ngang makain ang mga katulad namin, nagdagdag ka pa ng problema para makapaghanap kami sa lawyer, at pambayad ng kung anong pampiyansa,” saad pa ni Mystica.

Magugunita na kinasuhan ni Ignacio si Mystica dahil sa pagmumura ng singer kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Mahaharap si Mystica sa kasong inciting to sedition, cyberlibel, at violation sa Bayanihan To Heal As One Act.Mystica.

“Kapag seryoso ang issue e file na ako ng case. Hindi talakan lang sa FB.

Hindi mo puede mura-murahin si presidente nang ganun-ganun lang at aatungal ka pagkatapos.

Mas malala, nagyaya ka pa na pabagsakin ang gobyerno imbis na tumulong ka na lang.

Yung pagmumura mo naman e parang PERSONAL ang kasalanan sa iyo, e.

Kahit man lang sana sa edad nung tao e binigay mo na kahit katiting na paggalang.

Noon ko pa gusto siyang kasuhan, e.

Sabi ko, tapusin lang ‘tong ECQ, kakasuhan ko talaga ‘yan.

Nagsalita siya na hindi maganda, e, yung gusto niya talagang guluhin ang gobyerno.

Hindi lang nila alam kung gaano kahirap ang ginagawa ngayon ng mga nasa gobyerno, tapos guguluhin niyo pa?,” sabi ni Ignacio.

Source: PEP | PEP

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: