Local News

Mystica, Kinampihan ang Killer Cop sa Tarlac Shooting Rage!

Nitong simula ng linggo ay nagulantang ang mga kababayan natin sa viral video na kumalat sa social media kung saan mapapanood ang isang pulis na namaril ng mag-ina sa Panuqui, Tarlac. Ang ugat ng away sa pagitan ng suspek at ng mga biktima ay ang pagpapaputok ng boga. Ayon pa sa mga ilang ulat, may matagal na rin alitan ang dalawang panig kaugnay sa lupa.

Ang pulis ay mariing kinundena ng mga netizens. Pero iba ang naging opinyon ng kontrobersiyal na singer / entertainer na si Mystica. Sinisisi pa ni Mystica ang mga biktima.

“PASAWAY NAMAN KASI ‘YUNG [MAG-INA]… If I would be the policeman, hindi na bale na ako’y makulong. Ayaw ko lang na mapahiya at mawalan ng diginidad iyong trabaho ko bilang pulis na nagme-maintain ng peace and order… Sa pamamagitan ng ginawa niya, kung iyon na lang ang way para mapatahimik ang (mag-ina), well, he did his thing,” boladas ni Mystica.

Sa isang pahayag ay kinundena ng Malacañang ang nangyari pamamaslang. Titiyakin din nilang magkakaroon ng hustisya para sa mga biktima. Hindi rin poprotektahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulis na nakapatay dahil hindi naman ito tumutupad ng tungkulin nang mangyari ang krimen.

“Kinukundena natin ang nangyari diyan sa Tarlac. At lilinawin ko lang na hindi ito service related na double murder. Ito po ay kung hindi tayo nagkakamali ay isang away daw tungkol sa pag posisyon sa lupa. So ang pulis pong iyan ay hindi pwede mag-invoke ng kahit anong depensa na may kinalaman sa kaniyang katungkulan. Ito po ay tatratuhing ordinaryong murder case, iimbestigahan, kakasuhan, lilitisin at papaparusahan natin ang pulis na iyan. No ifs, no buts, magkakaroon po ng katarungan dahil nakita naman natin ang ebidensiya ng pangyayari. Hindi po iyan poprotektahan ng Presidente, kinukondena natin iyan,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Source: News5 | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: