Local News

Mystica, Kinasuhan na dahil sa Pagmumura kay PDU30!

Mahaharap sa kasong inciting to sedition, cyberlibel, at violation sa Bayanihan To Heal As One Act si Mystica.

Dumulog kasi ngayong araw si Arnell Ignacio sa Imus City Prosecutor’s Office sa Cavite para maghain ng asunto laban kay Mystica.

Pinagbasehan ni Ignacio ang mga video ni Mystica sa social media kung saan minumura-mura nito si Pangulong Rodirgo Roa Duterte at niyaya pa si Vice President Leni RObredo na mag-meeting upang pagpalanuhan kung paano papalitan si Pangulong Duterte sa pwesto dahil wala raw karapatan mamuno sa bansa.

“Kapag seryoso ang issue e file na ako ng case. Hindi talakan lang sa FB.

Hindi mo puede mura-murahin si presidente nang ganun-ganun lang at aatungal ka pagkatapos.

Mas malala, nagyaya ka pa na pabagsakin ang gobyerno imbis na tumulong ka na lang.

Yung pagmumura mo naman e parang PERSONAL ang kasalanan sa iyo, e.

Kahit man lang sana sa edad nung tao e binigay mo na kahit katiting na paggalang.

Noon ko pa gusto siyang kasuhan, e.

Sabi ko, tapusin lang ‘tong ECQ, kakasuhan ko talaga ‘yan.

Nagsalita siya na hindi maganda, e, yung gusto niya talagang guluhin ang gobyerno.

Hindi lang nila alam kung gaano kahirap ang ginagawa ngayon ng mga nasa gobyerno, tapos guguluhin niyo pa?,” sabi ni Ignacio.

“Binigyan kayo ng trabaho, pero bakit hindi niyo magampanan ng tama? At bakit pa kayo binoto ng mga tao kung kayo mismo ang dahilan kung bakit sila magugutom! What is causing them to go them para mag rally napakasimple, gutom sila, hindi niyo ba naiintindihan yun?… Ano ba ang pinaglalaban ko dito? Bakit ako nagmumura kasi gutom sila, hindi niyo ba naiintindihan yon? Ngayon kung sasabihin niyo na ako ay baliw, ngayon niyo ipakita talaga na kahit papaano pag ginawa ninyo ang sinasabi ng isang baliw yun mismo makakapag save sa buhay niyo, ng mga Pilipino, kahit na pinagtatawanan niyo ko,” boladas ni Mystica noong Abril.

Source: PEP

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: