Local News

‘Na-Frustrate ako nang Na-Appoint si Albayalde as PNP Chief’ – Former PNP-CIDG Official

Sa ginawang pagdinig ngayon sa senado patungkol sa isyu ng “ninja cops”, ilang rebelasyon ang pinakawalan ng dating Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief Benjamin Magalong laban sa ilang opisyal ng PNP.

Sa panayam sa kanya matapos ang senete hearing, sinabi ni Magalong na dismayado siya noong naitalaga bilang PNP Chief si General Oscar Albayalde.

“I’m just very frustrated (on Albayalde’s appointment as PNP Chief). Kasi alam ko. Unfortunately, hindi lahat alam ni Presidente (Rodrigo Duterte). Pero ako personally, alam ko dahil ako ang nag-imbestiga,” banat ni Magalong.

Sa senate hearing, sinabi ni Magalong na isa si Albayalde sa nakakuha ng magarang sasakyan matapos ang isang maanomalyang anti-drug operations.

“Nagkaroon ng operation ang bata diyan sa Pampanga. Mayroon silang nakuhang 30 kilos na shabu pero bigla silang nagkaroon ng magagandang sasakyan sabay-sabay… Nabanggit po na pati ‘yung [Pampanga] provincial director, mayroon din siya [na SUV] [It was also mentioned that the Pampanga provincial director also bought an SUV],” salaysay ni Magalong sa senado.

Agad naman pinabulaanan ni Albayalde ang mga akusasyon ni Magalong at sinabing ang kanyang sasakyan noong 2013 ay isang lumang modelo ng pick-up truck.

“I really don’t know what personal gripes Major Magalong here has against me because this happened in 2013. What I have in 2013 was a pick-up truck, the model I don’t know, an old model one. I can even say that I bought that from a neighbor,” sagot ni Albayalde.

Hindi daw alam ni Albayalde kung anong motibo ni Magalong kung bakit inuungkat daw nito ang lumang isyu na anim na taon ng nakakalipas.

“If there’s anything against these people, it could’ve done, even against me, it could’ve been done back in 2014, 2015, not during my time as chief PNP,” paliwanag ni Albayalde.

Kanino kayo naniniwala? Kay Magalong o kay Albayalde?

Source: Inquirer | Inquirer | Rappler

Leave a Reply