Local News

Na-Puwersa lang Mag-Rebelde ang NPA, Kaya Di Namin sila Kondinahin! – Renato Reyes

Para kay Bayan secretary-general Renato Reyes, hindi na kailangan kondinahin ang mga New People’s Army (NPA) para patunayan na legal na organisasyon ang kanilang grupo. Nangatwiran pa ang aktibista na porke kasali sa aramadong pakikibaka ay maituturing na agad na terorista.

Ikinumpara pa ni Reyes ang mga rebeldeng komunista sa mga kriminal na napilitan gumawa ng masama para sa kanilang ikabubuhay.

“(Armed struggle was) “not necessarily terrorist.” A poor man steals from a grocery to feed his hungry children. It is a crime. Do we condemn the man? No. We know he was forced to commit a crime because of poverty and desperation,” Reyes said. “A farmer loses his land to land-grabbers. He loses his livelihood. He joins the NPA because they are implementing a kind of land reform. Do we condemn the farmer? No. Landlessness made him rebel… Will you now require every citizen to make a similar condemnation just to prove they are not NPA? Again, that is witch-hunting. That is dangerous. It encourages rather than discourages red-tagging,” boladas ni Reyes.

Halos may pagkakaparehas din ang tono ng boladas ni former Bayan Muna Congressman Teddy Casiño at ng kasalukuyang kongresista ng partido na si Carlos Zarate..

“Hindi ho masasamang tao ang mga ito. Sila po ay kapwa Pilipino na nagnanais ng pagbabago… Sa halip po na kundinahin sila at ang kanilang pakikibaka, hindi ba mas mabuti na pakitunguhan o i-engage natin sila para sa paglutas sa suliranin ng ating bayan… Kaya napaka-importante sa amin ang peace talks…Bakit nga ba nagiging NPA ang ibang aktibista? Ito po ang simpleng sagot: Nasi nilang lunasan ang mga problema at hinaing ng ating mamamayan at marahil hindi na sila nasasapatan sa kayang ibigay ng ksalukuyang sistema,” boladas ni Casiño.

“Yung mga taong (NPA), ang option nila ay mag-armas, mahirap po i-konena sila outright,” kuda naman ni Congressman Zarate.

Source: GMA News | Archive | NTF-ELCAC

Leave a Reply

Theme by Anders Norén