Local News

‘Nagbanta ka sa Facebook, Bakit Hindi mo ako Tawagan?’ Parlade, Rumesbak Kay Governor Remulla.

Hindi nagpasindak si Lt. General Antonio Parlade sa mga patutsada ni Cavite Governor Jonvic Remulla. Ngayon Lunes ng umaga ay bumoladas si Remulla laban kay Parlade dahil sa mga naging pahayag ng army official sa ilang sikat na personalidad na lumayo sa mga leftist organization na konektado sa CPP-NPA. Nagbanta pa ang gobernador na personal niyang papangunahan ang pagwasak sa mga anti-NPA tarpaulin sa nasasakupan niya.

Ang mga birada na ito ni Remulla ay agad niresbakan ni Parlade sa kanyang panayam sa ABS-CBN. Ayon kay Parlade, bakit hindi na lang siya tawagan ng gobernador imbes na mag-post sa social media.

“I’m just a spokesperson of the NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict), incidentally, I’m also the commander of Southern Luzon, area ko ang Cavite… Why not call me and ask about those things? Why accuse me? So that’s not fair, sa Facebook wall niya pa at tine-threaten niya ako, na ‘pag ako ang naglagay niyan, he will make sure na ipapatanggal niya yan… That’s not right to accuse me of putting those… Hindi ako duwag. Kung ako magpapalagay ng tarpaulin diyan, I’ll make sure my name is on there, my office logo is there,” buwelta ni Parlade.

Narito naman ang sagot ni Lt. General parlade sa mismong social media post ni Gov. Remulla.

Source: Inquirer | Archive | Mark Lopez | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén