Local News

Nag-duty pa ng umaga, Jobless na pag-uwi? Ex-ABS-CBN Reporter, Binunyag ang Masakit na Nakaraan!

Ibinunyag ng dating DZMM reporter na si Joey Falcon ang masaklap na karanasan na nangyari sa kanya habang nagtatrabaho pa noon sa ABS-CBN.

Ayon kay Falcon, higit 300 na empleyado ang ipinatawag ng ABS-CBN management noong Hulyo 2005. Ang isa daw sa mga nagsulong para tanggalin ang mga empleyado ay si Maria Ressa. Si Ressa ang hepe ng ABS-CBN integrated news and current affairs division noong nangyari ang tanggalan.

Pinasaringan din niya ang mga kasalukuyang empleyado ng ABS-CBN na nagpapaawa umano sa gitna franchise issue na dinaranas ng istasyon.

Narito po ang kanyang buong pahayag:

Kabilang ako sa GRUPO na nagsimula sa ABS-CBN nang mapasakamay uli ito ng mga Lopez noong 1986.
Dahil sa aming pagpupunyagi, naging no,. 1 sa ratings ang Channel 2 at DZMM.
Dahil dito, heroes ng staion ang tingin nila sa amin, lalo na si “Kapitan” Geny Lopez.
Pero noongn July 2005 (wala na noon si Kapitan R. I. P.) bigla kaming ipinatawag isa-isa ng management.
300 kaming REGULAR EMPLOYEES na pinag file ng resignation o early retirement.
Sinabihan kami ng umaga, kinahapuman… DONE.
Kasama si MARIA RESSA, sa nag push para sa aming RETRENCHMENT.
Redundant daw kami, eh kami ang nauna. At may COST CUTTING daw kaya inuna kami na matataas ang sahod.
Sa araw ding iyon may “WALKING PAPERS” na kami, with some amount of compensation, with the warning na hindi kami pwedeng mag APPLY sa ibang company within ONE YEAR
Yung mga may reklamo dumulog sa DOLE at sa Korte. Pero walang sumigaw ng “PAANO NA KAMI” walang “NAGLUPASAY” walang nag rally.
Pero after 15 years, heto BUHAY PA RIN KAMI. Kahit hindi kami “NAGPA AWA” effect, hindi kami nag DRAMA na parang TELE NOVELA.
Huwag na tayong MANISI ng ibang tao o ng Gobyerno.
Kasalanan ito ng mga NAGPABAYA.

Salamat,

Joey Falcon
Radyo Patrol #6

Source: Joey Falcon | Politiko | Archive | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: