Local News

Duterte, Niloko ang taumbayan? Kiko, may Boladas sa Isyu ng Oligarkiya!

Matapos ang makasaysayang boto ng kongreo para hindi bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN, nagsalita ang Pangulong ROdrigo Roa Duterte sa unang pagkakataon.

Sa kanyang talumpati, ibinida niya na hindi na niya kailangan ng Martial Law para buwagin ang mga oligarkiya.

“Ganun nila nilaro ang bayan ko. Kaya ako mamatay, mahulog ang eroplano, I am very happy. Alam mo bakit, without declaring martial law I dismantled the oligarchy that controlled the economy and the Filipino people,” sabi ni Pangulong Duterte.

Ang pahayag na ito ni Presidente ang kinontra ni opposition senator Francis “Kiko” Pangilinan.

“COVID, gutom at kawalan ng trabaho ng milyon-milyon nating mga kababayan ang problema hindi itong mga oligarchs, kuno.

Gawa-gawa lang yang problema ng mga oligarchs. Walang kinalaman ang pagsasara ng ABS sa matinding problema dulot ng COVID. Inimbento lang ang problema na oligarchs para linlangin ang taumbayan dahil sa totoo lang wala silang maipakitang ni katiting na magandang resulta sa pagsugpo sa lalo pang kumakalat na COVID, sa gutom at sa kawalan ng trabaho ng milyun-milyon nating mga kababayan.

Saan tayo maniniwala? Sa gawa-gawa lang o doon sa totoo lang?” boladas ni Pangilinan.

Source: Inquirer | Kiko Pangilinan | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: