Local News

Babalikan at Pagbabayarin si DU30 ng Oposisyon, ayon kay former Bayan Muna Colmenares

Nagbabala si Former Bayan Muna party-list Representative Neri Colmenres na sisiguraduhin ng oposisyon na mpapanagot si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kapag ito ay bumaba na sa pagka-presidente sa 2022.

“There will be hell to pay once President Duterte steps down from office in 2022… So ang message namin kay President Duterte, sport lang “ boladas ni Colmenares.

Angal pa ni Colmenares, huwag daw daanin ni Pangulong Duterte sa paggigipit kung may bumabatikos sa punong ehekutibo.

“’Pag ikaw naman bumira sa gusto mong birahin malaya ka namang bumira. ‘Pag meron naman sanang bumira sayo wag mo naman i-harass. ‘Wag mo gamitan ng piskal mo, wag mo gamitan ng pulis mo, ng NBI mo, ng korte mo” patutsada pa ng dating kongresista.

Alma pa ni Colmeares, ay pinahihirapan daw sila ng Pangulo dahil magkaiba sila ng paniniwala at opinyon.

“Yung magkasulangat yung opinyon natin, under the Constitution, it’s freedom of expression. Bakit naman kami pahirapan just because we chose dissent from you” ani Colmenares.

Muling iginiit ni Colmenares na sa pagkatapos ng termino ng Pangulong Duterte ay pagbabayarin nila ito.

“May katapusan ang mga bagay-bagay. Up to 2022 tapos na si President Duterte diyan “ banat pa ni Colmenares.

Si Colmenares ay nahaharap sa kasong kidnapping na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at ni Ginang Relisa Lucena. Inakusahan ni Ginang Lucena si Colmenares na kinuha ang anak nitong dalagita na si Alicia para sumapi sa leftist group na Anakbayan.

Magugunita na noong Agosto ay pumutok ang isyu tungkol sa mga estudyanteng “nawawala” matapos mahikayat na maging miyembro ng Anakbayan. Ang mga magulang ng mga naturang kabataan ay tumestigo sa imbestigasyon sa senado para ilahad ang kanilang dinanas matapos sumapi ang kani-kanilang mga anak sa Anakbayan.

Para kay Colmenares, ang kaso daw ay para patahimikin at gipitin ang mga kritiko ni Pangulong Duterte.

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén