Local News

Nagbunyag na NPA ang Kapatid ni Angel Locsin, Lumantad na!

Nagpakita na sa media ang dating New People’s Army (NPA) na nagkonekta sa kapatid ni Angel Locsin sa armadong pakikibaka. Sa paglantad ni Ka Eric sa publiko, muli nitong idinetalye ang plano ng mga rebeldelng komunista laban sa gobyerno at kung paano nito unti-unting pinapasok ng mga ito ang bawat sektor ng lipunan.

Tahasanan din sinabi ni Ka Eric na ang mga miyembro ng Makabayan Bloc sa kongreso ay mga kadre ng NPA.

Ayon kay Ka Eric, handa siyang harapin ang mga dati niyang kasamahan. Sa katunayan, gusto niya ng umpisahan ang pagdinig sa kongreso ukol sa “red-tagging.”

“Ang pinaglalaban ng CPP-NDF ay maging komunista ang ating bansa. Gagamitin nila ang karahasan, ibabagsak nila ang gobyerno at papatay sila ng tao,” sabi ni Ka Eric.

Gusto rin ni Ka Eric na magbitiw sa kanilang puwesto bilang kongresista ang mga miyembro ng Makabayan Bloc dahil inaabuso daw ng mga ito ang pondo ng bayan. Nagagamit daw kasi ang pera ng tao sa pag-promote sa agenda ng mga komunista.

“Kung hindi sila magre-resign at hindi nila paninindigan na hindi sila CPP-NPA-NDF, then go back to our challenge, you condemn and reject CPP-NPA-NDF for all their crimes and terrorism… And pledge you loyalty to the institution and the government,” banat ni

Muli din iginiit ni Ka Eric na ang kapatid ni Angel Locsin na si Ella Colmenares ay naging NPA.

“I was deployed in the NPA national operation command from 2002 to 2008… Si Ella COlmenares na kapatid ni ANgel Locsin ay nasa Polilio Island at nandoon siya bilang medic ng platoon. She was issued with M-16 baby armalite,” sabi ni Ka Eric.

(Lumaktaw sa 33:28 bahagi ng video para mapanuod agad ang pahayg ni Ka Eric laban kay Ella.)

Source: NTF-ELCAC

Leave a Reply

Theme by Anders Norén