Local News

“Nagkalat ng Kat*ngahan” Enchong Dee, Binoljakan ng Abogado!

Sa mga nakalipas na mga araw ay naging laman ng balita ang aktibista na si Reina Mae Nasino dahil sa mahigpit na pagbabantay sa kanya ng otoridad. Si Nasino ay nahuli ng mga alagad ng batas noong 2019 dahil sa illegal possession of firearmas and explosives. Kasalukuyan itong nakapiit pero pinayagan ng korte na bumisita sa burol at libing ng anak nito.

Dahil sa ginagawang pangha-hype ng media sa kso ni Nasino hindi napigilan ni MMDA Spokesperson Celine Pilago na bansagang drama serye ang coverage kay Nasino.

Ang komentong ito ni Pialago ay pinuna ng aktor na si Enchong Dee. Ayon kay Dee, wala daw puso itong si Pialago.

“This person is heartless anf unintelligent. Ilagay mo ang sarili mo sa kalagayan ng isang ina at mangyari ito sayo… Bilang isang tao… ok lang sayo?” boladas ni Dee.

Nakahanap naman ng kakampi s Pialago sa katauhan ni Atty. Nick Nañgit. Resbak ng abogado, t*nga daw at gustong lang magpaka-relevant ni Dee kaya nakikisawsaw sa isyu.

“May mga T@NG@, gaya nitong Enchong na ito, na dumadakdak nang hindi nalalaman ang puno’t dulo ng usaping legal. Mema lang.

Oo, magpahayag ka, pero pumreno ka dahil hindi mo alam ang batas.

Oo, kailangang bansagan ka, para matauhan.

Kumbaga, trying hard ka magpaka relevant. Sa dami rami ng mga isyu sa buhay ng tao, dito ka pa biglang sumawsaw?!” sabi ni Atty. Nañgit.

Ipinaliwanag din ni Atty. Nañgit ang nangyari sa aktibista.

“Liwanagin natin, para hindi ka na magkalat pa ng k@t@ng@h@n mo!

Ang pagkakakulong kay Nasino ay bunga ng pagkakahuli sa kanya na may mga granada at armas. Labag ito sa batas. Alam mo ba yan, teh?! Hindi rin bailable, kaya hindi siya pwedeng lumabas sa kulungan at rumampa lang.

Noong nasa kulungan, saka niya nalamang buntis pala siya. Hindi nga nag iispluk kung sinong ama ng dinadala niya, mula noon hanggang ngayon. Nanganak. Dahil sa pandemya, at dahil walang facilities na mag seseguro sa kaligtasan ng anak, kinakailangang ilabas ito at ibigay sa pangangalaga ng lola. Naaayon din yan sa batas, teh!

Pwedeng mag alternatibong pagpapadede ang ina niya, pero hindi niya ito ginawa.

Ayun, nagkasakit ang anak at tuluyang namatay.

Humingi ang panig ng inang yan sa korte na makalabas para makapaglamay.

Nag rekomenda ang BJMP. Pinayagan naman ng korte, pero may mga kondisyon, dahil hindi na siya isang malayang mamamayan at kinakailangang bantayan ang inang yan. Malaki kasi ang posibilidad na tumakas ang inang yan, manlaban, o magdulot ng kaguluhan gaya nang naganap na nga.

Hindi malayong isipin ng pang-karaniwang tao na ang isang arestadong mananagot sa pagkakaroon ng mga granada at armas na labag nga sa batas ay may kaalaman ding gamitin ang mga yun. Obvious ba na hindi dekorasyon o display ang mga gamit pandigmaan, lalo pa’t isa raw siyang “human rights worker”?!

Naturalesa lang na naka posas siya. Ganun ang ginagawa sa lahat ng arestado na lumalabas sa kulungan nila para, halimbawa, dumalo sa pagdinig nila sa korte o kaya, sa kaso ng inang yan, sa lamay at burol.

Tinanggal naman ang posas noong nandun na ito. Nailathala na niyakap ng inang yan ang larawan ng anak, pero nagtaas ng kamao at nagpa-interview pa.

Nagluluksa ba siya talaga?

Iba ang aktibista o ang nagsusulong ng paniniwala sa naghahasik ng kaguluhan!

Nasa kautusan ba ng korte ang mga pinaggagagawa ng inang yan?

Hindi ito usapin ng pagiging isang ina o bilang isang tao, teh?!

Ang arestado ay arestado, kahit ina yan o hindi!

Hindi lang ikaw Enchong o ang inang yan ang tao. May mga karapatan din ang iba pang mga tao na sumusunod sa batas.

Mas marami kami na pinaninindigan ang batas at kaayusan ng bansa! Mas marami kaming may puso at nagmamahal sa mga susunod na salinlahi!

Hindi pwedeng baluktutin ang batas, dahil lamang sa awa o emosyon. Iba’t iba ang pananaw at pakiramdam ng tao, at hindi maaaring magpasya ang korte ng naaayon lang sa awa o emosyon.

Gulo yang isinusulong mo, teh!

At saka sino ba ang lumabag sa batas dito?

Ang BJMP na ginampanan lamang ang katungkulan nito na naaayon sa kautusan ng korte? Ang korte na nag-utos ng naaayon sa batas? O ang mga mambabatas na naghain ng mga panukalang naging batas para sa kaayusan ng lipunan?

Tandaan mo, may “presumption of regularity in the performance of official functions” ang bawa’t opisyal at empleyado ng pamahalaan. Kinakailangan ito, para tumakbo ng maayos ang lipunan at mapanatili ang tiwala ng mga mamamayan.

Kung may problema ka diyan, bakit hindi ka magsampa ng kaso, para talagang relevant ka?

Sino ngayon ang pinaratangang lumabag sa batas at nakitaan ng “probable cause” para panagutan ang krimen???

Diba ang inang yan?!

Kaya nga hinaharap nito ang mga kaso niya sa korte!

Sino ngayon ang T@NG@???

Ikaw yan, Enchong!” paliwanag ng abogado.

Source: Atty. Nick Nañgit | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén