Local News

‘Nagkasakit ako ng COVID pero Di Nadama ang Serbisyo ng DU30 Govt!’ Trillanes

Isiniwalat ni former rebel at former senator Antonio Trillanes na nag positibo siya sa coronavirus disease 2019. Ayon sa dating rebelde, gumaling na lang siya na hindi man lang nararamdaman ang serbisyo ng pamahalaan. Kasabay nito ay binanatan niya na naman si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Sa awa ng Diyos, after six days simula nang lumala ang pakiramdam ko nono august 15, nawala ang lagnat at karamihan ng symptoms. Dahan-dahan din lumakas ang aking katawan hanggang nakapagpa-araw at nag-exercise na ako… Finally noong August 28, or 23 days after nung lumabas ang COVID symptoms ko, nagpa-swab test uli ako at naging negative na ang resulta… Sa naging karanasan ko, nagkasakit ako ng covid at gumaling na lang nang hindi ko man lang naramdaman ang serbisyo ng gobyerno. Ano na lang ang silbi ng one-a-week na trabaho ni Duterte para mapagaan dapat ang epekto ng pandemiya sa mga Pilipino? Walang partisipasyon ang gobyerno. Kanya-kanyang diskarte na lang ang mga Pilipino,” boladas ni Trillanes.

Inakusahan din ni Trillanes na walang ginagawang contact tracing ang pamahalaan. Gusto din daw niyang magpa-ospital pero nakalaan lang daw ang mga hospital beds sa mga pasyenteeng may matinding covid infections.

“Sintomas ito na hindi na-increase ng gobyerno ang capacity ng health care system natin simula noong Pebrero nang unang pumutok ang pandemyang ito,” patutsada pa ni Trillanes.

Source: Politiko | Archive | archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: