Local News

Duterte Govt Tinawag na “MUKHANG INUTIL” ng Robredo Camp!

Bumoladas muli ang kampo ni Vice President Leni Robredo matapos akusahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Robredo na namumulitika dahil sa mga puna nito sa pamahalaan kaugnay sa covid-19 response ng gobyerno. Ayon sa tagapagsalita ni Robredo nasi Atty. Barry Gutierrez, nagmumukhang inutil lagi ang administrasyon.

“Tuwing may malaking problema, ang sagot na lang nila sa ating lahat, ‘Walang solusyon. Subukan kaya ninyong basahin din minsan ang mga rekomendasyon ng mga doktor at ibang eksperto… Ilang beses na ring ipinaabot ni Vice President Leni sa IATF (Inter-Agency Task Force) ‘yung marami rito [sa recommendations]…para hindi naman kayo nagmumukhang inutil lagi,” sabi ni Gutierrez.

Magugunita na sinabi ni Roque na nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan si Robredo sa ginagawa ng pamahalaan. Ayon kay Roque,ang kailangan lang daw gawin ni Robredo para makita ang ginagawa ng pamahalaan laban sa covid-19 ay bisitahin ang website ng Department of Health (DOH).

“Again, she is playing blind and deaf to the fact that there’s periodic reporting. All you have to do is go to the webpage of the DOH. All she has to do is to consult the regular reports being submitted by the President,” banat ni Roque.

Matatandaang nakatikim din ng birada si Robredo mula mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte. Resbak ng Presidente, kahit ano raw ang gawin ng pamahalaan ay may mayroon magiging puna ang mga kritiko at si Robredo.

“Wala talaga tayong magawa, you do it may masabi sila, you do not do it may masabi si Leni (Robredo) what do you want us to do?… Ang problema kasi nito, ‘yung magsabi we are doing enough, what can we do with the germs that’s flying around?… Etong si Leni kung ano ano pinagsasabi, alam mo Leni kung gusto mo if you really want sprayan natin itong Pilipinas o Manila ng pesticide galing sa eroplano para p*tay lahat…” buwelta ng Pangulong Duterte.

Source: MSN | Inq

Leave a Reply

Theme by Anders Norén