Local News

“Nagoyo kayo ng Media at Oposisyon” DU30 Govt, Sinupalpal ang US Senators na gustong Palayain si De Lima!

Pumalag ang Malacañang sa resolusyon na ipinasa ng United States Senate foreign relations committee para palayain si Senadora Leila De Lima. Ilan sa mga Amerikanong Senador na sumusuporta sa nasabing resolusyon ay sina Senator Ed Markey at Senator Dick Durbin.

“For over 1,000 days now, @SenLeiladeLima has languished in prison. Her crime: standing for human rights and good governance in the Philippines. Today’s passage of my resolution out of @SenateForeign demonstrates broad support for accountability in her case and with others,” sabi ni Sen. Markey sa kanyang Twitter account.

Ayon sa Spokesperson ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Secretary Salvador Panelo, naloko daw ng oposisyon at ilang mamamahayag ang mga Amerikanong mambabatas .

“Ang lumalabas ay naloko sila ng mga ulat na nagmumula sa oposisyon, pati na rin ng media outlets na biased laban sa administrasyon,” resbak ni Panelo.

Dapat din daw ay sinusuri ng mga American senators ang mga prosesong pinagdadaanan sa batas ng Pilipinas at hindi daw dapat agad nagpapaniwala agad ang mga ito sa sabi-sabi ng ilan.

“Pag-aralan nila kung ano ang prosesong dinadaanan natin, para hindi sila nagkakamali at hindi sila dapat nakikinig sa mga sabi-sabi, iyong mga nababasa nila sa diyaryo, iyong mga natatanggap nilang mga liham kung saan-saan galing at nagsasabing si Senator De Lima ay pini-persecute – hindi totoo iyon
buwelta pa ni Panelo.

Nagsalita na rin sa isyu ang ilang miyemrbo ng senado at ipinaalala sa mga Amerikanong senador na hindi koloniya ng Estados Unidos ang Pilipinas.

“We are a sovereign nation. We have our own judicial processes. What will they say if we pass a resolution asking the US to put in jail all abortionists in their country considering abortion is illegal in ours?… Sovereign states have exclusive jurisdiction to hear and decide the violation of their own laws. We are not a colony anymore” ani Senate President Tito Sotto.

“Sa palagay ko, talagang garapal na pakikialam ‘yun kaya tigilan na nila. Hindi na tayo little brown brother, hindi na tayo colony ng America. Dapat konting respeto rin…Ang galing naman nila mas marunong pa sila sa Filipino tungkol sa Pilipinas. Huwag naman ganun, konting respeto naman. Panghihimasok ‘yun, 1910 pa rin ba tayo? Hindi. Mali na ‘yan,” birada naman ni Senadora Imee Marcos.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén